Ai Ai Delas Alas ibinandera ang mga naranasan noon, excited sa pamumuno nina Bongbong at Sara
BINATI ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai delas Alas ang mga kandidatong sinusuportahan niya sa UniTeam na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte na pawang nangunguna sa partial at unofficial results na inilabas ng Comelec.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mensahe sa mga inendorsong kandidato.
“Congratulations sa ating bagong bise presidente ng republika ng Pilipinas, VP INDAY SARA DUTERTE at syempre pa ang bagong presidente ng republika ng Pilipinas, MR PRESIDENT FERDINAND “Bongbong” MARCOS JR,” panimula ni Ai Ai.
Aniya, nararamdaman na raw niya ang magiging “pagpapatuloy” ng mga ito sa isang bagong Pilipinas. Ibinandera rin nito ang mga naranasan noong bata pa siya kaya naman excited siya para rito.
“Makakatikim na ang ating kababayan ng mga naranasan namin noon bata pa ako… nutriban, klim, love bus, masagana 99, kadiwa(mga murang bilihin na pagkain) bliss (pabahay na disente), folk arts ,PICC, film center, HEART CENTER kung saan parateng naospital ang nanay ko at onte lang binabayaran namin. lung center, kidney center, Bataan powerplant,” pagpapatuloy ni Ai Ai.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, noon daw ay disiplinado ang mga Pilipino dahil noon raw, kapag wala ka sa bahay pagsapit ng alas dose ng gabi at nahuli ka ay dadalhin ka agad sa Camp Crame para magbunot ng mga damo.
Hiling pa ni Ai Ai, “Sana ma-experience din sa NCR ang windmill Mr. President.
Sey pa niya, marami pa raw siyang naranasan noon na ipinagpapasalamat niya at sinabing hindi pa huli ang oras para maituloy ito.
“Napakarami pa sana pero hindi pa huli ang lahat.eto na ang umagang kay ganda,” lahad ni Ai Ai.
Hindi naman nakalimutan ng Kapuso star na magpasalamat sa incumbent president na si Rodrigo Duterte.
Sey niya, “Salamat din po sa inyong ama na si RODRIGO ROA DUTERTE .. isa sa magaling na presidente ng ating bansa salamat po sa mga nagawa nyo para saming mga pilipino lalo na sa mga ofw naten.”
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa post ng komedyana.
“Ang sarap po sa pakiramdam na pinakita ng majority kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaisa. Salamat din po Ms. Ai,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Yes change is coming. Mahalin natin ang PILIPINAS. SAMA SAMA TAYONG BABANGON MULI.”
Related Chika:
Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo
Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.