Hugot ni Daniel: Huwag masyadong magpaapekto sa nakaraan, dapat matuto kang mag-move on Bandera

Hugot ni Daniel: Huwag masyadong magpaapekto sa nakaraan, dapat matuto kang mag-move on

Ervin Santiago |May 11,2022
share this

Hugot ni Daniel: Huwag masyadong magpaapekto sa nakaraan, dapat matuto kang mag-move on

Ervin Santiago - May 11, 2022 - 06:59 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAKIPAG-COLLABORATE talaga ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa produksyon ng bago nilang romcom series na “2 Good 2 Be True.”

Reunion project ito ng KathNiel with Direk Mae Cruz Alviar na siyang nagdirek ng kanilang blockbuster film na “Crazy Beautiful You” kaya naman tumodo ang young couple sa pagiging hands on sa serye.

“Sila direk naman din ang nagbibigay sa amin ng karapatan para, yung tiwala din sa amin ni direk na manghingi din ng opinyon namin base sa mga ibinibigay na script sa amin.

“Sa bawat linya na binabasa namin at mini-memorize namin, binibigyan niya kami ng karapatan na magbigay ng opinyon kung anong tingin namin na mas magandang mangyari or baka mas magandang sabihin.

“Mas ganu’n lang siguro. Nandu’n lang kasi sa tagal naming magkasamang tatlo na din, tantiyado na namin ang isa’t isa kung paano namin minsan mas pagandahin pa yung mga eksena or mas pagandahin pa yung kuwento kung saan pupunta. Mas ganu’n na lang siguro,” pahayag ni Daniel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Gagampanan ni DJ sa “2 Good 2 Be True” ang karakter ni Eloy na mai-involve kay Ali to be played by Kathryn. Pagtatagpuin sila ng tadhana habang dumadaan sa kumplikadong sitwasyon dulot ng kani-kanilang pamilya.

Sa isang panayam kay Daniel, natanong kung ano ang maipapayo niya kay Eloy sakaling magkita sila  sa totoong buhay, “Una, huwag masyado magpapaapekto sa mga nakaraan.

“You should learn to move on and huwag mong panghahawakan ang mga grudges mo sa buhay dahil hindi yun maganda para sa iyo,” sey ng binata.

Samantala, unang mapapanood ang “2 Good 2 Be True” sa Netflix Philippines at iWantTFC bago ito ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 simula sa May 16.

Ang “2 Good 2 Be True” ang kauna-unahang teleserye sa bansa na mapapanood sa Netflix 72 oras bago ito umere sa telebisyon.

Itinuturing nina Kathryn at Daniel ang seryeng ito bilang regalo sa kanilang fans at selebrayon ng kanilang ika-10 taong anibersaryo bilang loveteam. Tungkol ito sa dalawang tao na ayaw magpabudol sa pag-ibig.

Matapos ang limang taon, nagbabalik sila para pasayahin at bigyan ng good vibes ang manonood kasama nga si Direk Mae Cruz Alviar.

Iikot ang kwento kina Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn) na parehas hindi naniniwala sa true love matapos nilang makita kung paano nito nawasak ang kani-kanilang pamilya.

Kilala bilang “engine whisperer” si Eloy sa kanilang komunidad. Kasabay ng pagiging isang mekaniko, pinagpapatuloy din niya ang pag-aaral ng abogasya sa pag-asang mapalaya ang ama sa kulungan.

Ginawa nga niyang misyon na palayain ang ama hindi lang sa bilangguan pati na rin sa sakitnadulot ng pagkamatay ng ina. Samantala, isa namang mabait at masipag na nurse si Ali na nangangarap maging isang doktora.

Una silang pagtatagpuin ng tadhana sa isang plinanong nakawan ni Eloy sa isang hotel nang mabunggo niya si Ali.

Muli silang magkikita nang tanggapin ni Ali ang trabaho bilang nurse ni Hugo Agcaoili (Ronaldo Valdez), na may tinatagong sakit na Alzheimer’s, habang papasok naman bilang mekaniko ng mahigpit at tuso na real estate magnate si Eloy.

Mahanap kaya ni Eloy ang sagot sa kanyang mga katanungan sa pagpasok niya sa buhay ni Lolo Hugo? Hanggang saan kaya dadalhin ng paghahanap ng katotohanan si Eloy? Paano kaya ito makaaapekto sa posibleng ugnayan nila ni Ali?

Ang “2G2BT” ay sa ilalim ng produksyon ng RGE Unit at  makakasama rin sa serye sina Gloria Diaz, Irma Adlawan, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Smokey Manaloto pati na sina Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, Gillian Vicencio, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, Via Antonio, Hyubs Azarcon at Alyssa Muhlach.

Loyal KathNiel fans na may mga trabaho at anak na nag-sorry kina Kathryn at Daniel, bakit kaya?

Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

Andrea nanghinayang na hindi inimbita si Seth sa burol ng kanyang lolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending