Dawn Zulueta nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte

Dawn Zulueta nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte
DALAWANG araw bago ang eleksyon ay ipinakita ng aktres na si Dawn Zulueta ang kanyang pagsuporta sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang larawang suot-suot ang jacket na may nakasulat na “BBM” maging sng kanyang mga bracelet at wristband na may nakasulat ring “Marcos” at “Sara Duterte”.

“Solid,” saad ni Dawn na may mga hashtags na “#UNITEAM”, “#BBMSara2022”, “Halalan2022”, at “#bringiton”.

Hati naman ang naging reaksyon ng madlang pipol sa ginawang pagsuporta ng aktres sa mga kandidato ng UniTeam.

Ang ilan ay masaya at sinabing tama ang kanyang desisyon na suportahan sina Marcos at Duterte.

“Bihira lang talaga sa mga artidta yung totoong matalino at totoong may malasakit sa bansa. Yung walang personal na interes kaya lang pumipili ng kandidato. As I expected BBM-Sara solid si Queen Dawn,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Maaa!!! Tapakan mo ko. Ang gandaaa kahit di pa ako botante, Ma, solid BBM-Matcod akoooo!!!! Ily Ma!”

 

 

“Yessssss po. Actually dito po sa UAE 1 month po ang botohan and I’m proud to say na nakaboto na po ako at BBM-Sara Duterte po boto ko,” hirit pa ng isa.

Ang ilan naman ay naging malungkot sa desisyon ni Dawn ngunit nananatili pa rin ang pagsuporta at respeto ng mga ito sa aktres.

“I love you Dawn and admire you except your political views,” sabi ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Magkaiba po ang kandidato na pinaniniwalaan natin but still idol pa rin kita at ikaw ang pinakamagandang artista na nakita ko but my respect will always be there po. God bless us po. Whatever color we choose, still? That is for our country. Para sa ikauunlad ng bansa.”

Related Chika:
Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko

Kalat na…Dawn Zulueta, Bamboo magkapatid daw

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

Read more...