NGAYONG papalapit na ang eleksyon, marami na sa mga artista ang tumindig at nagpakita ng suporta at ngayon nga’y ibinandera na ni Maja Salvador kung sino ang kanyang presidente.
Ngayong Sabado, Mayo 7, ginulat ng aktres ang madlang pipol nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng larawan na naka-suot ng kulay pink na damit.
“Black is Out, PINK IS IN!!!” saad ni Maja.
“Ang boto niyo po ay sa inyo, at ang boto ko po ay sa akin. Kay Leni Robredo po ang boto ko! Ipanalo na natin to!” dagdag pa ng aktres.
Kuwento pa ni Maja, noon pa man daw ay alam na ito ng mga tao sa paligid niya dahil noong Disyembre 2021 ay naka-video call na niya ang presidential candidate.
Dalangin rin niya na sana ay maging “peaceful” at “honest” ang darating na eleksyon sa Mayo 9.
Bukod rin sa kanyang photo wearing pink ay kalakip rin ang kanyang famous meme ng pagsigaw ni Maja bilang si Ivy Aguas sa Kapamilya teleseryeng “Wildflower”.
Pero sa halip na “sandaleeeee” ang maging caption ng meme ay naging “Ang presidente….. Leni Robredo” ang nakasulat. Isa sa mga sumikat na chant sa mga nagdaang Leni-Kiko campaign sorties.
Suportado naman ng mga kakampinks at ng mga kaibigan sa industriya ang naging pagtindig ni Maja.
“Yesss meeeeem!!” comment ni Jerald Napoles.
Saad ni Miles Ocampo, “WOHOOOOOOOOO!! I love you, Ate kuhhhhh”
Mukha namang matagal na ring alam ni real life Darna na si Angel Locsin kung sino ang sinusuportahan ng kaibigan.
“Ay pwede ko [nang] ipost lol,” saad ni Angel.
At true enough, isang meme nga nila ni Maja ang ipinost nito sa kanyang Instagram story na mula sa kanilang eksena sa Kapamilya teleserye “The Legal Wife”.
Samantala, may mga fans naman na hindi kaparehas ni Maja ng sinusuportahan.
“Pasensya Maj at hindi kita masamahan pero makakaasa kang patuloy kitang susuportahan bilang fan mo na ako bago pa man ako may mapusuang kandidato. Love you,” saad ng netizen.
Dagdag pa ng isang netizen, “Fave kuya pero sorry Maja di ko bet pinili mo but I understand and respect your choice.”
Related Chika:
Tita ni Maja na nagpa-kidney transplant at gumaling sa cancer, namatay dahil sa COVID
Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo