Rocco Nacino, Melissa Gohing magkaka-baby na!

Rocco Nacino, Melissa Gohing magkaka-baby na!
PROUD daddy-to-be ang Kapuso actor na si Rocco Nacino nang ianunsyo nito na ipinagbubuntis na ng kanyang asawang si Melissa Gohing-Nacino.

Kinumpirma ito ng mag-asawa sa kanilang YouTube vlog na “Life with the Nacinos” ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang video hat habang nasa lock-in taping ang aktor.

Kahit na magkalayo ay ginawan ng dalawa ng paraan para sabay na malaman kung positive ba o negative ang resulta ng digital pregnancy test ni Melissa.

Agad namang naiyak sina Rocco at Melissa nang makitang nag-positive ang resulta dahil matagal na nilang ipinagdarasal ang magkaroon ng chikiting.

Maski sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang magandang balita.

 

 

“Because God is kind to those who wait and pray,” caption ni Rocco kalakip ang larawan nilang mag-asawa habang hawak ang sonogram ng kanilang baby.

Dagdag pa niya, “Excited to meet you soon, Baby Nacino!”

Sa IG post naman ni Melissa ay inihayag niya na apat na buwan na ang kanyang dinadala.

“I asked God for a new purpose in life and this was His answer. Our answered prayer,” saad ng soon-to-be mommy.

Super happy naman ang mga kaibigan, pamilya, at mga netizens sa bagong chapter ng buhay nina Rocco at Melissa.

“Ayan na! Yehey!” saad ni Carla Abellana.

Comment naman ni Mark Zambrano, “Wooow!!!! Congratulations Rocco and Melissa!!! Gos is good talaga!”

“Congratulations,” pagbati ni Dingdong Dantes.

Hirit naman ni Winwyn, “Wooohoooo!!!!! Congrats!!! Play date na to with LUNA!!!”

 

Related Chika:
Hirit ni Rocco ngayong mag-asawa na sila ni Melissa: Magkasama na kami mag-CR, sabay na rin maligo

Rocco ibinuking ang reaksyon ng asawa nang sabihing makakatrabaho uli si Lovi

Misis ni Rocco ayaw pang magka-baby: Ako gusto ko na talagang magkaanak, pero…

Rocco walang isyu kay Derek; umaming natakot gawin ang ‘To Have And To Hold’

Read more...