Barbie Forteza, Jak Roberto 5 years nang magdyowa, netizens napa-wow

Barbie Forteza, Jak Roberto 5 years nang magdyowa, netizens napa-wow

GOING strong ang relasyon ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na ngayon nga ay nagse-celebrate ng kanilang 5th anniversary.

Sa kabila ng kanilang bisy schedule sy nawa pa rin nv salawa na humanap ng oras para sa kanilang selebragon.

Saad ni Barbie sa kanyang Instagram post, “Almost five years of genuine happiness because of this man. My man. I love you so much.”

Samantala, nag-post rin si Jak ng anniversary message para sa aktres at sinabing sobrang nagpapasalamat siya sa kasintahan.

“Sobrang thankful ako sayo Madam! Sa effort na ginawa mo para matuloy tong trip na to, all credits to you mahal ko. Salamat, kaylangan talaga natin to after ng trabaho, sobrang saya ko.

 

 

“Finally may nakasama din akong “The One” sa beach at isa nanaman sa pangarap ko ang natupad!Advance happy 5th Anniverasary Madam! Mahal na mahal po kita!” sey ni Jak kay Barbie.

Sa ngayon ay nasa Bohol ang dalawa para mag-relax habang ipinagdiriwang ang limang taon na nilang pagmamahalan.

Labis naman ang kilig ng mga netizens at mga tagasuporta ng dalawa sa kanilang swwet anniversary greeting.

“Awwwww omg!!!! Ka iyak!!!! I know how protective and conservative Barbie’s parents. The fact na nakapag bakasyon kayo and the way Jack’s thankfulness is present in the caption!! I just knew the happiness he is feeling!! Huhu super saya for you both!” masayang comment ng isa sa mga tagasuporta ng JakBie.

Saad naman ng isa, “Love you both Jakbie. Advance happy 5th anniversary! Stay strong. Ingat always po.”

“Uhhh!!Walang buraan ng photos nio pag mag hiwalay ah! Haha!! Oh pak Ano kayo ngayon Sa kinis ni Barbie!” hirit naman ng isa pang netizen.

Maski ang mga kaibigan nila sa showbiz ay nakipagkulitan rin sa comment section ng kanilang mga post.

Pabirong saad ni Ina Feleo, “Tamang hawak sa pandesal lang marsss” na nireplyan ni Barbie ng “nakasimple” with laughing emojis.

“Uwiiii! Teka lang saan naba pamalo ko,” sey naman ni Sheena Halili.

 

Related Chika:
Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Barbie Forteza patutunayan ang pagiging ‘Primetime Princess’ sa ‘Mano Po Legacy’

Read more...