Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing 'greatest gift' niya si Baby Luna
LABIS ang tuwa ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez buhay nag dumating sa kanyang buhay ang panganay na anak na si Baby Luna.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang baby girl at kung gaano siya ka-grateful sa pagdating nito sa kanilang buhay ng kanyang non-showbiz boyfriend.

“Things you are praying for will show up when you are most ready for thrm and happens in the most unexpected way. God’s timing is indeed everything,” panimula ni Winwyn.

Aniya, binigyan siya ng Diyos ng isang love story na higit pa sa inaasahan at pinapangarap niya.

Pagpapatuloy ni Winwyn, “HE gave me a love story better than I could ever dream of and an adorable baby girl to complete our little family.

“Thank you for coming into our lives, Luna! Having you and your dad in my life is the greatest gift of all.”

Bukod kasi sa pagiging mommy ay nag-celebrate rin ng ika-30th birthday si Winwyn noong Mayo 4.

Bumuhos naman ng birthday at congratulatory messages para sa first time mommy.

“Congratulations and Happy Birthday Queen,” saad ni Sherilyn Tan.

Comment naman ni Jolina, “Congrats dear!!!! Im happy for you.”

“Happy birthday, Wyn and congrats!” sey naman ni Steven Silva.

Nagpasalamat naman ang actress-beauty queen sa lahat ng nagpaabot ng mensahe para sa kanya at kay Baby Luna.

“Thank you for the well wishes for my baby girl and sa lahat na nag greet ng happy birthday sa akin. Sending you all virtual hugs,” sey ni Winwyn.

Related Chika:
Winwyn baby girl ang unang magiging anak; ayaw pa ring ipakita ang mukha ng dyowa

Winwyn Marquez ipinanganak na ang first child na si Baby Luna

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Read more...