Gladys Reyes nanindigan para sa mga INC: Sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa

Gladys Reyes nanindigan para sa mga INC: Sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa't isa
MATAPOS mag-viral dahil sa kanyang “pink outfit”, nagpakita ng pakikiisa ang aktres na si Gladys Reyes sa mga namamahala sa kanyang relihiyon.

Miyembro kasi ang aktres ng Iglesia Ni Cristo na kasalukuyang usap-usapan ngayong halalan dahil ang endorsement nito sa mga tumatakbong kandidato.

Marami rin kasi ang na-curious kung ang pagpo-post nga ba ni Gladys ng kanyang larawan habang suot ang kulay pink nitong damit ay ang pagpapahiwatig nito ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Hindi naman sinagot ng Kapuso actress ang mga tanong ng netizens at sa halip ay sinabi niyang “good vibes” lang daw sila at ayaw nang patulan ang pag-aaway away ng mga tao ukol sa politika.

At ngayon ngang nag-trending ang Iglesia Ni Cristo dahil sa inilabas nitong endorsements ng mga kandidato ay sinabi ni Gladys na buo at patuloy ang kanilang pakikiisa niya at ng kanyang pamilya sa pamamahala sa loob ng kanilang relihiyon.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kalakip ang mensahe ng pakikiisa.

“Ako po at ang buo naming pamilya ay mananatiling kaisa ng aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo at patuloy na ipatutupad ang kaisahan, dahil ito po ay nakasulat sa banal na kasulatan, sa
1 Corinto 1:10 na wag magkabaha-bahagi at magkaroon ng isa lamang paghatol (o pagboto),” panimula ni Gladys.

 

 

Aniya, ito raw ay ipinapatupad sa loob ng Iglesia sa simula’t simula pa lamang.

Matatandaang marami sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang tumindig at sinabing paninindigan nila ang kanilang kandidatong napili sa kabila ng ginawang pag-eendorso ng mga opisyal ng INC sa kandidatura nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Pagpapatuloy ni Gladys, “Huwag din po sana lagyan ng kahulugan ang kulay ng aking kasuotan nuong nakaraan, dahil yun lamang ang color motiff para sa Mothers Day Special na aming ginawa at wala na pong ibang ibig sabihin.”

Dagdag niya, patuloy siyang maninindigan sa kanilang pananampalataya kahit ano pa ang mangyari.

“Ako po ay patuloy na maninindigan sa aking pananampalataya, dumating man ang pag-uusig, di patitinag.
Higit sa lahat, sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa, magkaiba man po ng pananaw ang iba,” sey ni Gladys.

Related Chika:
Gladys Reyes ibinandera ang pink outfit, netizens na-curious: Kakampink ba siya?

Iglesia ni Cristo ibinandera ang pagsuporta kina Bongbong at Sara; 12 kandidato sa pagkasenador napili na

Jaclyn Jose nasasaktan na sa pamba-bash ng haters sa INC: Sobra na po, sana wala namang sakitan ng religion

Read more...