Iglesia ni Cristo ibinandera ang pagsuporta kina Bongbong at Sara; 12 kandidato sa pagkasenador napili na
GRABE! Almost 400,000 viewers ang tumutok sa live streaming ng news program na “Mata ng Aguila” ng NET 25 nitong Martes ng gabi.
Talagang inabangan ng publiko ang babasahing anunsyo kung sino ang mga kandidatong iboboto ng Iglesia Ni Cristo sa May 9 elections, partikular na sa posisyon ng pagkapresidente at bise-presidente.
Bagama’t may nag-leak na nitong Lunes ng gabi ay marami pa rin ang nag-abang sa formal announcement ng INC dahil baka raw fake news ang naglabasang balita sa social media.
Pero napatunayang hindi ito fake news dahil sakto ang naunang balitang sina dating Sen. Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang iboboto ng INC sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ng bansa.
Sa mga senador naman, narito ang mga pangalang nasa listahan ng INC: Guillermo Eleazar, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Juan Miguel Zubiri at Chiz Escudero.
Pasok din ang mga pangalan nina Loren Legarda, Jejomar Binay, Alan Peter Cayetano, Sherwin Gatchalian, Mark Villar at Joel Villanueva.
Pagkatapos ng anunsyo ay kaliwa’t kanan na rin ang mga nabasa naming komento sa social media at karamihan ay nagtatanong kung ano raw ang naging basehan ng INC para suportahan nila ang mga nabanggit na pangalan.
Maraming mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang nagsabing “irespeto” kung sino ang napili nila tulad ng kanilang pagrespeto sa mga gustong iboto ng iba.
Very vocal naman sa kanyang Facebook account ang dating aktres na si Klaudia Koronel sa pagtatanggol sa INC dahil sa pagkakaisang pagboto.
“In-expect na po namin yung mga ganyan. Palibhasa ay hindi nila mapantayan o magaya ang KAISAHAN NAMING MGA IGLESIA NI CRISTO…Mga BASHER AT BITTER….PASOOOK.
“Hinding hindi niyo po matitinag ang pagkakaisa naming mga INC,” sabi ng aktres.
Anyway, maraming celebrities na miyembro ng INC ang nakausap namin at excited na nga sila sa darating na Mayo 9 eleksyon.
Ang Iglesia ni Cristo ay itinuturing na block-voting religious sect na may humigit-kumulang na tatlong milyong miyembro sa buong mundo.
https://bandera.inquirer.net/312317/darren-espanto-nilinaw-na-hindi-kabahagi-ng-inc
https://bandera.inquirer.net/294065/netizens-naloka-sa-okrayan-nina-kiray-at-senyora-iba-pang-celebs-damay
https://bandera.inquirer.net/288319/jm-halos-isumpa-ng-madlang-pipol-dahil-sa-pambubugbog-kay-yam-sa-init-sa-magdamag
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.