Ariella Arida never lolokohin ang dyowa: Natatakot po ako sa karma, sa panandaliang saya lang... | Bandera

Ariella Arida never lolokohin ang dyowa: Natatakot po ako sa karma, sa panandaliang saya lang…

Reggee Bonoan |May 05,2022
facebook
share this

Ariella Arida never lolokohin ang dyowa: Natatakot po ako sa karma, sa panandaliang saya lang…

Reggee Bonoan - May 05, 2022 - 06:40 PM

Tony Labrusca at Ariella Arida

“HOT! Hot! Hot!” Ganyan inilarawan ni Direk Raffy Francisco ang bago niyang pelikulang “Breathe Again” na pinagbibidahan nina Ariella Arida, Ivan Medina, Jela Cuenca at Tony Labrusca na mapapanood sa Vivamax sa Hunyo 3, mula sa Viva Films.

Sa ginanap na mediacon ng pelikula sa Botejyu Estancia Mall ay nadulas si Tony na muntik na siyang maglagay ng plaster sa ilang mga eksena nila ni Ariella, kabilang na riyan ang kanilang underwater scenes.

Kaya hindi naiwasang tanungin ang 2013 Miss Universe 3rd-runner up kung gaano ka-daring ang mga eksena niya sa dalawa niyang leading man na sina Tony at Ivan sa “Breathe Again.”

“I would say na magkaibang dynamics kasi magkaiba rin ‘yung pinanggagalingan ng role.

“I would say with Ivan kasi we’re coming from a long relationship here, so that kind of intimacy na makikita mo talaga sa matatagal nang mag partner compared to intimacy na parang spark just ignited, so, you can tell the difference from that palang and me as Joanna.

“Siguro ‘yung intimacy sa partner na hinahanap ko doon sa isa na naibigay nu’ng isa sa other partner na matagal ko na ring hinahanap.  Kung baga ‘yung kulang ng isa’t isa nahanap ko both,” paliwanag ni Ariella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ARIELLA ARIDA (@araarida)


Sa tanong kung sinong mas wild sa mga sex scenes niya kina Ivan at Tony, “Magkaiba kasi ‘yung isa, coming from long term relationship nga, so, sa mga manonood siguro isip nila sa matagal na, pero ‘yung naibibigay ng spark kapag bago palang, so ini-expect n’yo na ‘yung mga ganu’n eksena na nag-init.”

At dahil parehong naibigan ng dalawang partner ni Ariella as Joanna ang hinahanap niya ay natanong kung sa real life ba ay posible niyang gawin iyon at kung sino ang matitira.

“One of my learnings in this film mabuti nagawa ko. If I’m on a long term relationship and then biglang I met someone na nagpa-realize sa akin na there is wrong with my long term relationship, ‘yung learnings ko rito, I can end my past relationship just to give respect to the guy and start a new one and see what happens.

“Kasi risk naman talaga ‘yung buhay especially love. I can’t take it both kasi baka parehong mawala in the end. So, it’s something that I have to decide and risk,” katwiran ng dalaga.

Ayaw din ni Ariella ng may overlapping sa relasyon, “Natatakot po ako sa karma, sa panandaliang saya lang. It’s a big decision talaga na kailangang gawin, ako rin personality ko na hindi ko kaya ng overlap, I’d rather I break-up ‘yung long term relationship just to give chance sa bagong dumating.”

Samantala, inamin ni Ariella na nu’ng nabasa niya ang script ng movie ay talagang gusto na niya at yung mga hininging eksena na may daring ay kailangan sa istorya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May boyfriend na si Ariella at tatlong taon na sila ngayon at kinailangan niyang ipaliwanag kung bakit niya tinanggap ang pelikula pero hindi nito naikuwento kung anu-ano ang mga eksenang gagawin niya, yayayain na lang daw niyang manood nito sa Vivamax sa June 3 para makita ang magiging totoong reaksyon ng kanyang boyfriend.

Ariella Arida kay Miss Universe PH Bea Gomez: I have nothing against her being openly gay

Ariella Arida sa halikan nila ni Lassy: Pinakamalansa sa lahat ng malansa!

Vice todo pasalamat kay Rabiya; Ariella nasayangan sa mukha ni Miss Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending