Arjo Atayde nakuha ang endorsement ng Iglesia ni Cristo

Arjo Atayde nakuha ang endorsement ng Iglesia ni Cristo

NGAYONG papalapit na ang eleksyon ay sunud-sunod na ang mga balita ng pag-eendorso ng religious groups sa mga kandidato at isa na nga ang aktor na si Arjo Atayde sa mga kumakandidatong inendorso ng Iglesia Ni Cristo.

Ang Kapamilya actor ay isa sa mga tumatakbo bilang kongresista sa unang distrito ng Quezon City.

“I thank INC from the bottom of my heart for trusting and supporting my dream to serve my kababayans in QCD1 (Quezon City District 1),” saad ni Arjo.

Dagdag pa niya “We only have a few days left before the elections, and I am encouraging everyone to vote wisely. The future is in our hands, and may the Lord bless the upcoming elections. It is my prayer to have a peaceful and honest elections, and may the most deserving leaders be elected to lead us for the betterment of our lives.”

Si Arjo ang nangungunang kandidato sa pagkakongresista sa District 1 ng Quezon City at kasama sa hanay ng mga tumatakbo sa sa ilalim ng #TeamAksyonAgad ni reelectionist Joy Belmonte.

Umaapaw naman ang suportang natatanggap ng aktor mula sa kanyang pamilya maging sa mga kaibigan nito sa industriya. Sa katunayan, may mga artista na present sa kanyang mga rally gaya nina Eric Nicolas, Bayani Agbayani, at KD Estrada.

 

 

Matatandaang aminado ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez noon na may takot siyang nararamdaman sa pagpasok ng anak sa mundo ng politika ngunit sa kabila nito ay nagpakita pa rin siya ng buong suporta sa desisyon ng anak.

Bukod naman sa aktor ay opisyal na ring inendorso ng Iglesia ni Cristo sina Bongbong Marcos at Sara Duterte na tumatakbo bilang presidente at bise-presidente ng bansa.

Para naman sa mga senador ay pormal rin nilang inendorso sina Jinggoy Estrada,Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Jejomar Binay, Alan Peter Cayetano, Guillermo Eleazar, JV Ejercito, Francis Escudero, Robin Padilla, at Joel Villanueva.

 

Related Chika:
Iglesia ni Cristo ibinandera ang pagsuporta kina Bongbong at Sara; 12 kandidato sa pagkasenador napili na

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Arjo Atayde hindi maninira ng kapwa para manalo sa eleksyon: That’s not my cup of tea

Read more...