PUMALAG ang vlogger at social media influencer na si Janina Vela patungkol sa negative campaigning na isinasagawa ng ibang tao ngayong panahon ng eleksyon.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa isa sa mga maiinit na isyu ngayong panahon ng pangangampanya ng mga kandidatong tumatakbo sa nalalapit na 2022 national elections.
“Tanong lang po.. bakit po ‘negative campaigning’ yung pag-call out ng criminal allegations ng isang kandidato pero hindi ang pagtawag na ‘loser’ o ‘lugaw’?” saad ng dalaga.
Dagdag pa niya, “Correction: hindi lang po pala ‘allegations’, kundi ‘CONVICTIONS’.”
correction: hindi lang po pala “allegations”, kungdi “CONVICTIONS”
— Janina Vela (@janinavela) May 3, 2022
Umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Janina sa social media.
“Hindi kasi nila matawag na magnanakaw si VP kaya walang ibang bukang bibig kundi “BoBo, Lutang at Lugaw,” reply ng isang netizen.
Saad naman ng isa pa, “Kung si BBM tinutukoy mo, convicted nga ba talaga? O pinupulitika lang?”
“Kaya ka na bash sa youtube channel mo eh nagmamagaling ka pano kung ipa mass report yang channel mo dahil you dont know what you are talking about present your legal evidences,” sey naman ng isa pa na tila isang UniTeam supporter.
Hirit naman ng isa, “Wala na kasi silang maibato. Sa totoo lang. Compared to other candidates ang daming kabulukan peto si VP ano? Lutang at lugaw lang. Di ba?! Ewan ko ba!”
Isa si Janina sa mga influencers na tumindig at nagpakita ng suporta para sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Sa katunayan, madalas siyang makasama sa mga campaign sorties ng TRoPang Angat para maging isa sa mga host at buko pa rito, isa rin siya sa mga kilalang personalidad na nagsasagawa ng house-to-house para ikampanya ang tambalang Leni-Kiko.
Related Chika:
Sharon, Kiko, mga anak negatibo na sa COVID: God is good even when times are bad…
Sharon Cuneta sa nagsasabing nang-agaw sila ng campaign color: Go find your own color!