“JUSTICE is served!” Yan ang nasambit ng Kapamilya hunk actor na si Tony Labrusca matapos ibasura ng korte ang kinakaharap niyang kasong acts of lasciviousness.
Feeling vindicated ang aktor nang maglabas ng resolusyon ang Makati prosecutor’s office hinggil sa nasabing demanda na isinampa ng isang grupo noong 2021 na nakaaway niya sa isang party.
Noong March 17, inilabas ni Judge Xavier Paolo del Castillo ang kanyang desisyon sa kaso na ibinahagi naman ng legal counsel ni Tony na si Atty. Joji Alonso sa kanyang social media account.
“The charge imputed against him was found to have no basis. After observance of due process, Tony Labrusca has been cleared of profoundly damaging judgments that has tarnished his name,” pahayag ng abogado at film producer.
Nakachika namin si Tony sa face-to-face mediacon ng bago niyang project, ang original Vivamax movie na “Breathe Again” kung saan makakatambal niya ang beauty queen-actress na si Ariella Arida.
Dito, naikonek nga ng press ang title ng pelikula niya matapos ang lahat ng pinagdaanan niyang kontrobersya sa kanyang personal na buhay.
“Happy ako na nakaka-move on ako, nakakahinga na uli, literally. I’m just grateful. Wala naman akong ginawang masama. Mabuti akong tao,” pahayag ng aktor.
“I am just glad that I’m back here after an extended stay in the United States,” dagdag pa ng binata na kakabalik lang sa Pilipinas galing sa Amerika kung saan tinapos niya ang isang Hollywood film.
Ito yung pagbibidahan ng singer-actress na si KC Concepcion na kinukunan pa rin hanggang ngayon sa Amerika, ang “Asian Persuasion” na siyang directorial debut ng three-time Tony award and Grammy-winning producer na si Jhett Tolentino.
Nang matanong kung ano ang natutunan niya sa kinasangkutang kaso, “Kailangang mag-ingat dahil may masasamang tao talaga sa paligid mo. Napakahirap talagang magtiwala ngayon.”
* * *
Maraming relasyon ang dumadaan sa “seven-year itch”. Ang mas nakalulungkot ay dahil dito, ang isa o pareho sa magkarelasyon ang bumibigay sa tukso.
Sa Vivamax original movie na “Breathe Again”, saksihan ang kwento nina Joanna at Paulo, na ginagampanan nina Ariella Arida at Ivan Padilla.
Bilang selebrasyon sa kanilang engagement, dadalhin ni Paulo si Joanna sa beach dahil mahilig ito sa swimming. Hihikayatin pa niya itong mag-freediving habang siya naman ay sasama sa tropa niyang motorbike riders.
Isa na rito ay ang nakahuhumaling na si Vivien, ginagampanan ni Jela Cuenca. At may mangyayari sa pagitan nila na hindi dapat mangyari.
Samantala, kukuha naman ng freediving lessons si Joanna. Magiging marupok din ito at bibigay ang sarili sa kanyang instructor na si Robert, ginagampanan ni Tony Labrusca.
Panandaliang-aliw lamang ba ang hanap nila sa isa’t isa? Sino ang mas mapapasama sa kataksilang ginawa?
Ang “Breathe Again” ang unang full length movie ni Raffy Francisco na kilala bilang direktor ng mga TV commercials. Siya mismo ay mahilig sa dagat at ito ay makikita sa kanyang mga kuhang litrato.
Hindi na bago kay Miss Universe Philippines (2013) Ariella Arida ang paggawa ng mga maseselang eksena matapos maging bahagi ng mga pelikulang tulad ng “Sarap Mong Patayin” at “More Than Blue”.
Abangan kung gaano kainit ang kanyang eksena kasama si Tony. Ito ang unang pelikula ng aktor sa Viva matapos ang dalawang taon. Bumida siya sa “Hindi Tayo Pwede” noong 2020.
Ipalalabas na ang “Breathe Again” sa Vivamax sa June 3.
https://bandera.inquirer.net/283097/tony-umaming-napraning-nang-magka-covid-19-barbie-may-malalim-na-hugot-para-sa-pamilya
https://bandera.inquirer.net/292069/tiktok-video-nina-tony-at-raymond-nabahiran-ng-malisya-e-ano-naman-kung-sweet-sila
https://bandera.inquirer.net/288211/pwede-rin-akong-mag-romcom-na-hindi-ko-kailangang-magpakita-ng-katawan