Darryl Yap ipinagtanggol si Jinggoy Estrada: Wag po tayong magpadala sa screenshots kuno

Darryl Yap ipinagtanggol si Jinggoy Estrada: Wag po tayong magpadala sa screenshots kunoTO the rescue ang VinCentiments director na si Darryl Yap para ipagtanggol ang senatorial candidate na si Jinggoy Estrada matapos mag-viral ang screenshots ng diumano’y mensahe niya sa kanyang batchmates noong high school.

Para sa mga hindi aware, bukod sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte na tumatakbo sa pagkapangulo at bise presidente, isa rin si Jinggoy sa mga sinusuportahan niya sa mga kandidatong tumatakbo ngayong national elections.

“Senator Jinggoy Estrada is now the Target. Sa lahat po ng mararating ng post na ito, ilang araw bago magkampanya—ang senador na sinusuportahan ng inyong lingkod at ng aking pahina ay malubha nilang pinupuntirya upang tuluyang may makalusot mula sa kanilang hanay,” saad ni Darryl.

Pagpapatuloy niya, “Sa lahat po ng mararating ng post na ito, ilang araw bago magkampanya—ang senador na sinusuportahan ng inyong lingkod at ng aking pahina ay malubha nilang pinupuntirya upang tuluyang may makalusot mula sa kanilang hanay.”

Aniya, marahil daw ay iniisip ng mga tao na mas madali na siyang pabagsakin dahil na rin sa mga kasong kinakaharap ni Jinggoy.

“Siguro dahil napunlaan na nila ito ng bahid ng anomalya mula sa kasong ang pinagmulan ay sila rin namang mga dilawan; INIISIP NILANG MAS MADALI SIYA TIBAGIN o HILAHIN UPANG MAKAPASOK SA TOP 12 ang isa sa kanilang mga Senador.”
“Huwag po natin itong payagan,” dagdag pa ni Darryl.

Sey pa niya, kailangan daw ng kagaya ni Jinggoy sa senado lalo na kung mananalo sina Bongbong at Sara.

“Kailangan ni Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte ng matapang na kakampi sa senado. MAY KARANASAN AT TUNAY NA MAGTATRABAHO; yung hindi nila kayang sindakin at padapain. Huwag po tayong papadala sa mga screenshots kuno, mga inedit na replies at posts,” Matapang na sabi ni Darryl.

Matatandaang ngayong linggo ay naging usap-usapan si Jinggoy matapos kumalat ang screenshot ng kanyang diumano’y mensahe niya ng paghingi ng suporta sa kanyang mga high school batchmates sa Ateneo.

“Dear classmates/batchmates, I am once more seeking your valuable support in this upcoming elections as I am again gunning for a Senate seat. As you well know, I became your senator from 2004-2016 and unfortunately lost in the last elections because of the issues hounding me. Having said that, once elected in the Senate, rest assured that I will enact bills that will benefit the greater majority of our people. Thank you so much and I hope to solicit your valuable votes on May 9. OBF!!!” saad ni Jinggoy.

Agad namang umalma ang kanyang batch mate at sinabing, “Since you sent a message to our batchmates then let me be the first (and maybe the only one) to declare that I will NOT vote for you. I do not believe in your promises nor the false promises being given by your party of jr-sara. And that is an understatement.”

 

 

“Game over Mr. Prats! Magandang araw sa iyo! Pagpalain ka ng Diyos!” reply ni Jinggoy.

Pero bukod sa reply sa group chat ay nagpadala rin ng personal na mensahe ang senatorial candidate kay Prats.

“Bastos ka pala hayop ka! Yan pala ang itinuro sa iyo ng Ateneo! Shame on you! Sana ginulpi na kita nung HS pa tayo eh. Ano na tisoy? Wag kang bastos G*go!” mensahe ni Jinggoy.

Reply ni Prats, “Jinggoy, I will not stoop down to your level. And before you tell me about Ateneo education and its values I would suggest you look at yourself in the mirror to determine if you truly embody the Ateneo value and its thrust for being Man For Others. If you don’t believe in the freedom of expression as provided for by the Constitution then I am not surprised why you are part of the jr-sara team. I suggest to drop this as it more and more shows the type of person you are.”

“Really? Lick my ass! Duwag! Stooping down to my level? Baka Bgy Capt di ka manalo. Hing nga kita ka-level eh. I shouldn’t be stooping down to your level,” ganting sagot ni Jinggoy.

At dahil kita ang numerong gamit ni Jinggoy sa screenshot ay marami ang mga nagtangkang mag-message rito pero “Elmer Mercado” na raw ang pangalan nito.

Wala pa rin namang pahayag ang senatorial cadidate ukol sa isyu.

Related Chika:
Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika

Darryl Yap binanatan ng ‘Kakampinks’ dahil sa ‘Exorcism of Len-Len Rose’, pero kinampihan ng BBM loyalists

Darryl Yap binanatan ang ‘high heels’ paandar ni VP Leni: Poor planning, wrong decision

Read more...