Joshua, Bimby lumipad na patungong Amerika, Kris nagpaiwan muna… bakit kaya?

Joshua, Bimby lumipad na patungong Amerika, Kris nagpaiwan muna... bakit kaya?

TRUE nga ba ang chika na tuluyan nang lumipad ang dalawang anak ni Kris Aquino na sina Kuya Josh at Bimb papuntang Amerika?

May nakapag-chika kasi sa aming team na namataan daw nila ang dalawa sa Clark International Airport at patungo na sila sa Los Angeles, USA.

Ngunit ang nakapagtataka ay hindi kasama si Kris sa paglipad ng kanyang dalawang anak.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay naisulat namin dito sa Bandera na kumpirmadong tuloy na tuloy na ang paglipad ng Queen of All Media matapos nitong batiin ang kaibigan nitong si Asia’s Songbird Regine Velasquez na nagdiwang ng kaarawan noong April 22.

Ani Kris, “Mare, sorry if my greeting is late – we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming.”

Siguro ay may kinakailangan pang asikasuhin sa bansa si Tetay kaya naman pinauna na muna niya ang mga anak.

Pwede rin namang hinihintay pa ni Kris ang eleksyon para bumoto at ipakita ang suporta kay Vice President Leni Robredo.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong balita kung kailan ang alis ng Queen of All Media ngunit isa lang ang sigurado, susunod si Kris kina Josh at Bimb dahil kailangan na niyang sumailalim sa medical treatment at hindi rin niya kayang mawalay nang matagal sa mga anak.

Mula sa Bandera, hangad at dasal namin ang mabilisang pagbuti ng lagay ni Krissy!

Related Chika:
‘Da moves’ ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me!

Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

Bimby pangarap maging doktor, wish ni Kris: Sana talaga hindi na magbago yung choice niya!

Bimby payag na mag-asawa si Kris sa tatlong kondisyon

 

Read more...