'Da moves' ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me! Bandera

‘Da moves’ ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me!

Ervin Santiago |November 01,2021
share this

‘Da moves’ ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me!

Ervin Santiago November 01, 2021 - 11:45 AM

Mel Sarmiento, Kris Aquino at Bimby

HINDI lang ang puso ni Kris Aquino ang nakuha at napaibig ni dating Department of Interior And Local Government (DILG) Sec. Mel Sarmiento kundi pati na rin ang bunsong anak niyang si Bimby.

Parang eksena pala sa pelikula at teleserye ang “da moves” na ginamit ng dating opisyal ng gobyerno para makuha ang matamis na “oo” ng TV host-actress.

Sa Instagram video na ibinahagi ni Kris para sa kanyang mga fans and social media followers, tinanong ni Bimby ang kanyang “Tito Mel” kung ano’ng style ng panliligaw ang ginawa niya para mapasagot ang mama niya.

Agad namang sumagot si Kris ng, “Bimb, out of the blue, he just kissed me.” Nagtawanan naman sina Mel at Bimby sabay fist bump. Reaksyon pa ni Bimby, “Wow, suave. May balls pala si Tito Mel!” 

“Basta you can feel he genuinely loves you, Mom,” dagdag pa ni Bimby.

Sabi naman ng dating kalihim ng DILG, hindi na raw niya napigilan ang sarili na halikan ang babaeng kanyang itinatangi. Basta naramdaman na lang niya na iyon na ang tamang pagkakataon para  ipakita kay Kris ang pagmamahal niya.


Last week, ginulat ni Kris ang publiko sa balitang engaged na sila ng dating government official kasabay ng pagsasabing finally ay natagpuan na niya ang lalaking matagal na niyang ipinagdasal.

Samantala, sa isa pang IG video, humingi na ng paumanhin si Kris sa publiko na hindi muna nila ibabandera ang mga detalye tungkol sa kasal nila ni Mel pero nangako siya na ise-share nila sa madlang pipol ang mga kaganapan sa kanilang magiging wedding.

Nagpasalamat naman si Tetay sa kanyang fiancé sa pagpayag nitong umapir sa kanyang video dahil nga isa nang pribadong tao ang dating opisyal ng DILG 

“I had to explain to him that you all saw me growing up, so ‘yung journey namin, we also had to share. He’s super private and obviously, kami ni Bimb, sanay na sanay. So, thanks for doing this.

“As I have always said, my sons and I wouldn’t have the life we have had it not been for your love and loyalty, pinakiusapan ko si Mel, na utang ko ‘to sa inyo.

“So we compromised, pumayag siya but said (that) after this, ‘yung next video ‘yung wedding na namin and of course, I agreed.

“That’s how much he has changed me, I now know it’s not all about me, it’s definitely a give and take, and it really should always be about US,” ang inilagay namang caption ni Kris sa kanyang IG video.

Kris engaged na sa dating secretary ng DILG: Looking forward na akong maging Sarmiento

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending