Aiko Melendez nilinaw na hindi lumipat ng sinusuportahang kandidato: May paninindigan po ako

Aiko Melendez nilinaw na hindi lumipat ng sinusuportahang kandidato: May paninindigan po ako

KATUWANG ng kumakandidatong konsehal ng 5th District ng Quezon City na si Aiko Melendez ang panganay niyang anak na si Andre Yllana at ito ang dumadalo sa mga barangay na hindi napupuntahan ng aktres.

Very vocal si Aiko na ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio ang sinusuportahan niya sa pagka-presidente at bise presidente ng Pilipinas sa May 9 elections.

Nasabi na ito noon ng aktres na iginagalang niya ang bawa’t desisyon ng mga kasamahan niya sa showbiz industry kung sino ang iboboto at hindi dito nagtagtapos ang pagkakaibigan.

Kaliwa’t kanan ang bashing na natatanggap ngayon ni Aiko dahikl nagbahay-bahay ang anak na si Andre kaninang umaga na nakuhanan ng larawang may kayakap na matanda at ang nakapaskel sa gate ay ang tambalang Leni at Kiko.

Pinost ng aktres ang larawan ng anak kayakap ang lola at ang caption ay “Ok I’m being bashed because of this picture of my son Andre Yllana. Ba’t daw ako naging Leni- Kiko eh BBM ako. Eto po ang simpleng explanation.

“Nangangampanya po mga anak ko kanina and may gate dun ng supporter namen na maka Leni- Kiko di ko kailanman ang naging ugali na saklawan ang utak at isip ng aking mga supporters.

“Kahit sa kapamilya ko kapatid ko maka Leni, Ako maka- BBM never kami nag away para sa sino man ang nais namen supportahan.

“Hindi po ako lumipat ng susupportahan po. Dahil may paninindigan po ako. At kung ano man po ang kakalabasan ng Elections rerespetuhin namen po yan.

“Pero ‘wag n’yo po ako pigilan ng nais ko supportahan. Nacionalista party po ako sa totoo lang po di ko pa nakikilala sila Senator Bongbong Marcos at Inday Sara, pero ‘yun ang paninindigan ko asa kanila ang aking paniniwala.

“Lawakan po naten ang isip naten. I am for Bongbong Marcos and Mayor Inday Sara Duterte all the way. (emoji hearts red and green).”

 

 

Base sa mga nabasa naming komento sa post ni Aiko ay marami naman ang nagparamdam ng suporta sa kanya at huwag na lang daw patulan ang mga basher.

Dagdag pa ng aktres, “Likas sa aking mga anak ang pagkakaroon ng mababang loob. Lagi me ngiti at saya sa kanila ang kanilang paglibot sa ibat ibang area ng Dist 5. Salamat mga anak! Andre Yllana at Marthena Jickain at ke kagawad Edgar ED Mabalot sa pagpapakilala sa kanila sa inyong mga kabarangay! Samahan nyo na po kami sa aming Laban. Mag #10 na po tayo para sa konsehal Aiko Melendez QC.”

Related Chika:
Aiko nanawagan sa nagbabaklas ng kanyang tarpaulins: Lumaban po tayo ng patas

Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito

Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…

Read more...