Arnell Ignacio binanatan si Kim Chiu: Get a spokesperson for youself!

Arnel Ignacio binanatan si Kim Chiu: Get a spokesperson for youself!

PINAYUHAN ni Arnell Ignacio ang Kapamilya actress na si Kim Chiu matapos nitong mag-trending dahil sa kanyang tanong kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Out of curiosity ay nagtanong ang aktres kung bakit palaging ang spokesperson ni Bongbong ang palaging nagsasalita para sa kanya gayong hindi naman ito ang tumatakbo sa eleksyon.

“Uhm curious lang po? Bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? [Siya] po ba yung tatakbo? Di ba campaign period pa lang? Dapat ‘yung nag-aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW,” tanong ni Kim.

Naglabas naman ng video si Arnell at sinagot ang katanungan ng aktres.

“Kim Chiu, you know what? You are very colorful personality who has a knack for asking the most intriguing question,” panimula ni Arnell.

Pagpapatuloy niya, “Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. So why does it happen? Kasi ‘yung tao na iyong inaantay na magsalita, ay napakaraming engagement at kailangan niya ng isa pang tagapagpaliwanag.”

Aniya, wala naman daw mali sa pagkakaroon ng spokesperson at pinayuhan pa ang dalaga na kumuha rin ng sarili niyang spokesperson.

“Now, there’s really nothing wrong with that. You know, what’s best for you, get a spokesperson for yourself. Malaking tulong yan para hindi ka sumasabit, Kim. Hope to meet you one day,” sey pa ni Arnell.

Marami namang netizens ang naimbyerna sa pag-eksena ng komedyante.

“Arnell Ignacio is making some noise pretending he is brilliant by answering Vice Ganda about franchise and Kim Chiu’s spokesperson tweet,” saad ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Bakit dami kuda ni Arnell Ignacio? Ganon na ba talaga pag irrelevant at laos na? Kuda to the max para papansin?”

“Bakit ba nag-iingay bigla si Arnell Ignacio? Dyusme, spokesperson yarn?” hirit naman ng isa pa.

Matatandaang nag-trending rin ang dating TV host-comedienne matapos siyang lektyuran ni Vice Ganda ukol sa prangkisa.

Ngayon naman ay si Kim Chiu naman ang sinagot nito dahil sa pagkaka-trending nito.

Anyway, kilala naman bilang tagasuporta ni Pangulong Duterte si Arnell Ignacio at Deputy Officer ng Overseas Workers Welfare Administration.

Related Chika:
Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN

Payo kay Arnel Ignacio: Bumalik sa iskul para matuto ng tamang english

Read more...