MULING nagpasaring ang aktor na si Romnick Sarmenta sa kaibigan at dating kasama sa “That’s Entertainment” na si presidential candidate Manila City Mayor Isko Moreno.
Nitong Sabado, April 30, nanawagan ang kasalukuyang alkalde ng Manila City na sana ay tuldukan na ang away sa pagitan ng dalawang kulay habang nangangampanya ito sa Pangasinan.
Aniya, “Hindi matatapos ang away ng pula at dilaw. Either of them kung sino ang iboboto nyo, and I will respect that. Whoever you are going to vote either pula o dilaw because this is the democracy. And I respect everyone’s rights, views, ans opinions.”
Marami naman ang hindi sumang-ayon sa sinabi ni Isko at isa na nga dyan ang kaibigan niyang si Romnick.
Sa Twitter ay ibinahagi ng aktor ang kanyang dahilan kung bakit hindi niya suportado ang sinabi ng alkalde ng Maynila.
“I politely disagree with the statement that says: Di matatapos ang gulo kapag pula o dilaw ang manalo.
Ang tamang statement ay:
Di matatapos ang gulo, kapag trapo ang nanalo,” saad ni Romnick.
Dagdag pa ng aktor, “We deserve a better government, that is transparent, accountable and pro-Philippines.”
I politely disagree with the statement that says:
Di matatapos ang gulo kapag pula o dilaw ang manalo.Ang tamang statement ay:
Di matatapos ang gulo, kapag trapo ang nanalo.We deserve a better government, that is transparent, accountable and pro-Philippines.#LeniKiko
— Romnick Sarmenta #LeniKiko2022 (@Relampago1972) May 1, 2022
Agree naman ang mga netizens sa pahayag ni Romnick.
“Bulls eye! Disagree na hindi matatapos ang gulo kapag pula o dilaw ang mananalo. Stupid statement. Ang totoo, hindi matatapos ang gulo kung ang mananalo ay mga trapo, mga magnanakaw sa gobyerno, pangit ang track record at mandarambong! Iboto ang malinis ang track record!” reply ng isang netizen.
Saad naman ng isang netizen, “Wala sa kulay yan. Nasa mga botante. Piliin ang karapatdapat. Wag iboto ang mga trapos at dynasty. Lalo na yun may records na pandarambong. Madumi DAW ang pulitika kaya dapat matuto tayong bumoto sa tama.”
Hirit pa ng isa, “Korek! Regardless kung anong kulay mo. It is the same banana with a diff color kung sadyang greedy kang tao. Ang iba nga ngpapalit pa ng political party pero ganun pa rn. Bakit? Kasi pag trapo, trapo tlga! It is not about the color but the character of the person.”
Matatandaang nitong April 19 lang ay naging usap-usapan ang pahayag ni Romnick laban sa kanyang dating kasamahan sa “That’s Entertainment” matapos nitong banatan ang kapwa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Aniya, “Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa mga pinaninindigan mo dati. Pwede kang magalit o magtampo sa akin. Pero ang mga sinabi ko kelan lang ay dala ng malasakit at di galit. Sana’y mag-isip ka. Di pa huli.”
Related Chika:
Romnick Sarmenta may patutsada kay Isko Moreno: Sana’y mag-isip ka
Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?
OK lang ba kina Agot, Nikki at Romnick na magkaanak ng bading o lesbian?