K Brosas napasabak sa kantahan, pinatagay habang nangangampanya: Sa gobyernong tapat, may shot lahat!

K Brosas napasabak sa kantahan, pinatagay habang nangangampanya

HABANG nagbabahay-bahay ang actress-comedienne na si K Brosas para ikampanya ang tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan kasama na rin ang buong tRoPang Angat ay napadaan ito sa isang birthday party ng isa sa mga residente kung saan siya nag-iikot ikot.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-game na pagbigyan ang hiling sa kanya na kumanta sa videoke at makitagay.

“So nag house to house uli ako kanina bago dere deretcho work.. saya saya.. nakipag usap ng maayos at nakinig ng maayos.. at may pa videoke pa.. at sa gobyernong tapat may shot ang lahat! lol! 1 time lang po yan ha hehe.. iba talaga pag tao sa tao.. kung may mag comment man dito na di sangayon, try nyo po mag volunteer o mag house to house para sa kandidato nyo na free.. pwede pa naman.. kundi keri respect lang po hihi! lablablab!” saad ni K Brosas na may hashtag na #LeniKiko2022

Hindi inatrasan ng aktres-comedienne ang hamon at kinanta ang “Natatawa ako” sa birthday party sabay isang “shot puno” bilang parte na rin ng pagpapasaya sa may kaarawan at para na rin mas makumbinsi ang mga tao na makinig kung bakit sina Leni at Kiko ang dapat iboto.

 


Kwento naman niya sa Twitter account, dahil postponed na rin ang kanyang show noong May 1 ay sumama na lang siya sa house-to-house campaign.

“Yes po, nag-house to house uli po tayo bago maglabada uli. Nung nalaman ko na postponed show ko today, ako mismo nag-volunteer agad agad. Iba talaga pag tao sa tao. Nakinig naman sila at masaya lang. Lablablab!” chika pa ni K Brosas.

Nag-trending rin ang video niya kasama ang mga residente na nagsu-swimming sa isang maliit na pool habang nangangampanya.

Game na game naman na nakikanta ang mga residente ng Leni-Kiko chant na gawa ni Gab Valenciano.

 

 

“Para kay VP Leni at Sen. Kiko, muntik na ko sumali nagtampisaw sa kanila chos!” sey ni K Brosas.

Pag-amin rin niya, first time niyang gawin ang house-to-house campaign para sa kandidatong sinusuportahan niya.

“Yes po! Tama lahat sinabi nyo kasi this time or for the first time paninindigan ang inilalaban namin kaya ipanalo na natin to! Salamat.”

Related Chika:
K Brosas napaiyak sa napurnadang dream house, grabe ang panic attack: Masakit, kasi ang tagal kong nagmakaawa…

Anak ni K Brosas may banta sa mga nanloko sa nanay niya: Sa korte galingan n’yo ang punchlines n’yo

K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

Read more...