True ba, AJ Raval ayaw nang makatrabaho si Diego Loyzaga, iniiwasan nga ba si Barbie Imperial?
MALINIS ang kunsensiya ng kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval na wala siyang kasalanan kay Barbie Imperial at handa siyang makipagharapan sa dalaga anumang oras.
May tsismis kasi na ayaw na raw ni AJ na makatrabaho uli ang ex-boyfriend ni AJ na si Diego Loyzaga matapos ang naging issue sa kanilang tatlo noon.
Ito yung napabalitang may namamagitan daw sa pagitan nila ng hunk actor habang magdyowa pa sila ni Barbie. Na-bash nang bonggang-bongga si AJ at tinawag na ahas at mang-aagaw ng boyfriend.
Nagkasama kasi sina Diego at AJ sa pelikulang “Death Of A Girlfriend” mula sa Viva Films na ipinalabas last year pero hindi na nga ito nasundan.
Sa panayam ng ilang members ng entertainment media kay AJ pagkatapos ng premiere night ng bago niyang pelikula, ang tinaguriang torture-porn na “Kaliwaan”, sinagot ng dalaga kung totoong ayaw na niyang makatrabaho ever si Diego.
“Ano po kasi, e. Parang ano po, ang nakikita kong mangyayari ia magtatrabaho po kami ni Diego, okay po kami, and then magiging okay yung movie, maraming manonood.
“’Tapos, sila lang po yung parang gaganun. Ako lang po yung maba-bash. Parang ganu’n po yung nakikita ko sa pelikula,” pahayag ni AJ.
View this post on Instagram
Pero kung pagsasamahin daw sila ni Barbie ng Viva sa isang pelikula, papayag ba siya? “Si Barbie? Okay lang naman po. Kung magkakaroon po ng chance, wala naman pong problem.
“At least, kung may mga bagay na may mga sinasabi siya, mako-confront ko po siya. Actually, nung pumutok po yung isyu namin, ako po nag-message sa kanya. Minessage ko po siya na mahaba.
“Sabi ko sa kanya, ‘Huwag magpapadala sa mga tao,’ naiintindihan ko po siya, na-provoke lang po siya kung bakit nagsalita siya nang ganu’n. Tapos, nag-reply po siya, sabi po niya, ‘Thanks, AJ,’” chika pa ng sexy star.
Sundot na tanong kay AJ, na-hurt na ba siya sa mga naging pahayag sa kanya noon ni Barbie, “Hindi naman po. It’s more of understanding.
“Kung gaano po kalawak ang understanding ko, si Barbie, siguro merong sitwasyon na hindi niya maintindihan kaya nakapagsalita ng ganun.
“Ako na lang po ang umintindi kay Barbie na kaya po siya nakapagsalita ng ganu’n, dahil na-provoke lang po siya sa mga netizen, sa mga tao,” paliwanag ni AJ.
Dugtong pa niya, “Ako po, okay po ako sa kanya, wala po akong problema sa kanya. Hindi ko lang po alam sa kanya.”
Samantala, napapanood na ngayon sa Vivamax ang “Kaliwaan” kung saan kasama rin ni AJ sina Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez, Irma Adlawan, Felix Roco, Julio Diaz, Juami Gutierrez at Denise Esteban sa direksyon ni Daniel Palacio mula sa konsepto at kuwento ni Brillante Mendoza.
Patungkol naman sa relasyon nila ni Aljur Abrenica, “Kami po ni Aljur, wala naman po talaga kami naging relasyon. Hindi po kami, wala naman po kaming kinumpirma.”
“Nasa point pa po kami na kinikilala pa namin ang isa’t isa. Iyon nga po. May mga priorities na dapat unahin, may problems na dapat ayusin muna,” sey ni AJ.
https://bandera.inquirer.net/312031/relasyon-nina-aj-raval-at-aljur-abrenica-wala-pang-label-jeric-raval-umabot-na-sa-19-ang-anak
https://bandera.inquirer.net/299520/aj-nagsalita-na-ukol-sa-pagiging-kabit-never-po-nanligaw-si-diego-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/299388/xian-gaza-nakunsensya-parang-sinira-ko-ang-buhay-ni-aj-raval
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.