Ex-PBB teen housemate Josef Elizalde pinutakti ng indecent proposal matapos maghubo't hubad sa pelikula | Bandera

Ex-PBB teen housemate Josef Elizalde pinutakti ng indecent proposal matapos maghubo’t hubad sa pelikula

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 07:20 AM

Denise Esteban at Josef Elizalde

SANDAMAKMAK na indecent proposal at kung anu-ano pang  offer ang natanggap ng Vivamax actor na si Josef Elizalde mula nang ipalabas ang sex-drama movie niyang “X-Deal 2”.

Ito ang unang pelikula ni Josef kung saan game na game siyang naghubo’t hubad at nakipag-love scene sa kanyang mga co-stars na sina Angela Morena at Rob Guinto.

Bukod dito, pinag-usapan at pinagpiyestahan din sa pelikula ang nakakalokang eksena ng dating “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” housemate kasama ang isang lalaking masahista.

Kaya naman sa naganap na online presscon ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang “Doblado” kahapon, April 28, ay natanong ang binata kung game na ba siyang tumodo sa paggawa ng love scene sa kapwa lalaki.

Sagot ni Josef, “Actually, ako rin nagulat du’n (sex scene sa X-Deal 2 with another man). Ang hirap. Hindi naman siguro sa open, hindi ko pa actually masyadong naisip yun. But kasi yung sa eksena namin na yun, nadaya naman kasi yun.”

Paliwanag pa niya, “Pero pag-usapan kung kaya ko ba makipag-make love sa isang lalaki, yun siguro ang kailangan ko talagang pag-isipang mabuti kung worth it ba.

“I mean, kung ano yung magiging effect sa career ko, kasi siyempre hindi naman puwedeng dapat tanggap lang ako nang tanggap.

“Kailangan isipin ko rin yung epekto niya sa career ko at sa akin, sa pagkatao ko,” magandang paliwanag ng aktor.

Kasunod nito, inamin nga ni Josef na bigla raw siyang nakakatanggap ngayon ng mga indecent proposal mula sa mga beki na nakapanood daw ng mga eksena niya sa “X-Deal 2.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Josef Elizalde (@josefelizalde)


“After ng scene na yun, ang daming nagulat, especially mga friend ko. Hindi ko sinabi sa kanila para hindi ma-spoil. Ang dami, ang daming nag-message sa akin.

“And then siyempre, I got a lot of messages from mga LGBTQ na humihingi sa akin bigla ng mga fantasies nila.

“Marami, maraming nag-message, mga indecent proposal din. If willing ba ako na gawin yun sa totoong buhay,” nangingiting pag-amin pa ni Josef.

Ayon pa sa binata, hindi raw pala talaga madali ang maghubad at gumawa ng maseselan at maiinit na eksena sa pelikula pero aniya, hindi niya ito pinagsisisihan.

Sa katunayan, feel na feel daw niya ang bagong image niya at  nagugustuhan na niya ang career path na napili niya, “I was hesitant at first, kinakabahan ako.

“Puro pa-cute lang ako dati, patawa, so it’s a new environment for me. It’s a different style of acting also.

“Kung magagawa ko ba? Kung kaya ko ba? So far, nag-e-enjoy naman ako. Challenging and fun at the same time,” aniya pa.

Samantala, muli ngang mapapasabak si Josef sa matinding bakbakan sa sex and violence via Vivamax Original Movie na “Doblado” kung saan makakasama niya ang baguhang sexy star na si Denise Esteban.

Gaganap si Denise dito bilang si Jaira na isang college student at high-class prostitute na mai-involve sa karakter ni Josef bilang si Ronan. Nang dahil sa kanilang relasyon pareho sila g malalagay sa panganib.

Makakasama rin dito sina Stephanie Raz, Kat Dovey, Gwen Garci at Mark Anthony Fernandez sa direksyon ni GB Sampedro. Palabas na ito sa Vivamax simula sa May 6.

https://bandera.inquirer.net/308924/josef-elizalde-kinarir-ang-pagpapayat-bidang-bida-na-sa-pelikula-after-14-years

https://bandera.inquirer.net/308051/2-palabang-sexy-star-na-bida-sa-x-deal-2-nagtulong-sa-paglalagay-ng-plaster-sa-kanilang-flower

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307840/rob-guinto-angela-morena-josef-elizalde-nadala-nga-ba-sa-kanilang-love-scenes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending