NAGPAHAYAG na ang singer-performer na si Darren Espanto kung sino ang kanyang kandidatong sinusuportahan sa darating na 2022 national elections.
Kahapon, April 27, ay isa ang binata sa mga nag-perform sa naganap na Bulacan campaign sortie ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan na dinaluhan ng halos 144,000 katao.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na sasampa sa entablado si Darren sa entablado para mag-endorso ng mga kandidato ngayong darating na halalan.
Pag-amin niya, first time niyang mararanasan ang bumoto sa darating na Mayo 9.
“Ako po si Darren and I am actually a first-time voter this May po. So I am so proud of the youth like myself, who also registered to vote,” saad ng binata.
At gaya ng madalas sabihin sa singing competition na “The Voice Kids” na siyang naging oportunidad ni Darren para pasukin ang showbiz sa pamamagitan ng pagkanta, nais rin niya na sa darating na eleksyon ay boses ng mamamayang Pilipino ang mananaig.
Pagpaptuloy niya, “Tulad nga po ng sabo sa ‘The Voice’, let our voice br heard.”
Samantala, sobrang masaya naman si Darren na tumindig sa harapan ng libo-libong mamamayan para sa pagsulong ng tapat na pamamahala.
“I’m so happy to stand with you and millions of Filipinos all over the world para kay Ma’am Leni Robredo at sa gobyernong tapat.
“Iyan ang gobyernong deserve natin at leaders like Ma’am Leni ay deserving sa suporta natin. Leaders na hindi umuurong sa anumang hamon, kahit ano pang pagsubok ang ibato sa kanya,” sey ni Darren.
Isa si Darren sa mga youth artists na nagpakita ng pagsuporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
Matatandaang nauna nang tumindig ang Kapamilya stars na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Andrea Brillantes, at si Juan Karlos Labajo na nakasama niya sa “The Voice Kids”.
Related Chika:
Darren harapang kinausap ni Erik: Parang nababastos siya, hindi kasi ako friendly sa kanya
Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween
Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!