TULUYAN nang tinanggal si Senator Migz Zubiri mula sa Senate slate ng tambalang Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.
Ayon sa spokesperson ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, opisyal na nilang inaalis ang pangalan ng senador sa kanilang listahan matapos nitong iendorso si presidential candidate Bongbong Marcos.
“His open endorsement of another presidential candidate, in contravention of the agreement with all guest candidates led to this decision,” pagbabahagi ni Gutierrez.
Dagdag pa niya, “With 12 days remaining before elections, we are moving forward with our 11-candidate Senate slate.”
Matatandaang noong March 31 ay nagpakita ng pagsuporta si Zubiri kay Bongbong Marcos sa naganap nitong rally sa Malaybalay, Bukidnon na siyang hometown ng senador.
Tinawag niya itong “our president” habang itinataas ang kamay nito kasama ang kanyang amang si Governor Jose Maria Zubiri na senyales ng opisyal nilang pag-endorso sa kandidato.
Isa ang senador sa mga guest candidate sa tambalang Marcos-Duterte, Lacson-Sotto, Pacquiao-Atienza, at Robredo-Pangilinan tickets ngunit base sa kanilang napagkasunduan ay wala dapat itong iendorso sa mga kandidato sa pagkapresidente bagay na hindi niya nasunod.
Nauna nang tanggalin nina presidential candidate Sen. Ping Lacson at ng running mate nitong si Sen. Tito Sotto III si Zubiri sa kanilang Senate slate.
Samantala, nananatili pa rin naman ang senador sa ticket ni Sen. Manny Pacquiao.
Isa si Zubiri sa mga adopted senatorial candidates ng tambalang Leni-Kiko kasama sina Jejomar Binay, Chiz Escudero, Dick Gordon, at Joel Villanueva.
Nanantili naman sina Binay, Escudero, Gordon, at Villanueva sa official Senate Slate ng tambalang Leni-Kiko kasama sina Teddy Baguilat Jr., Leila de Lima, Che Diokno, Risa Hontiveros, Alex Lacson, Sonny Matula, at Antonio Trillanes IV.
Other Stories:
Itigil ang importasyon! Isipin ang mga magsasaka! – Sen. Migz Zubiri
Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko
Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!