Kathryn pinakilig ang KathNiel fans sa 27th birthday message kay Daniel: Dancing through life with you…

SINORPRESA ng kanyang mga co-stars sa seryeng “2 Good 2 Be True” pati na ng mga executives ng ABS-CBN si Daniel Padilla para sa kanyang 27th birthday nitong nagdaang Martes, April 26.

Talagang nag-effort ang mga ito para maging memorable ang kanilang pa-surprise party kay DJ habang nasa lock-in taping ng bago nilang romcom series ni Kathryn Bernardo.

Sa mga litratong ibinahagi ng Star Magic sa Instagram, makikita sa naganap na celebration si Kathryn kasama ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada at ang kapatid na si Carmella.

Bukod dito, dumalo rin ang mga bossing ng Kapamilya Network sa party ni DJ na in-organize ng kanyang talent manager na si Luz Bagalacsa. 

Personal na bumati kay Daniel sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, and TV production and Star Magic head Lauren Dyogi.

Samantala, muling pinakilig ni Kathryn ang milyun-milyong KathNiel fans all over the universe sa birthday message niya kay DJ.

Nag-post ang Kapamilya actress aa Instagram ng sweet photo nila ng boyfriend na kuha sa kanilang island trip at isang video clip kung saan mapapanood ang pagsasayaw nila ni DJ sa yate habang pinanonood sila ng BFF nilang si Joshua Garcia.

Ang caption ni Kath dito ay, “Dancing through life with you and enjoying every single step. Remember that you and I are always in sync, and no matter what the music is, there’s no better rhythm than when we’re dancing TOGETHER. Happy birthday to my person.”

Nagbahagi rin si Karla ng ilang litrato na kuha sa party ng anak na may mensaheng, “Surprise!!! At the set of 2 Good To Be True! Thanks to our bosses for the surprise set visit! Thanks too to the entire prod and thank you @bernardokath and @captainluz for making this happen! Happy birthday @supremo_dp, we love you, anak!”

Sa isang panayam, sinabi nina Kath at DJ na umaasa at ipinagdarasal nila na sana’y pang-forever na nga ang kanilang pagmamahalan. Sabi ni Daniel gusto na niyang lumagay sa tahimik kapag 30 na siya.
Sabi naman ni Kath, “May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually, iyon naman talaga ‘yung plan. Of course, agree.”

Samantala, ang “2 Good 2 Be True” ay mapapanood na starting May 16 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TV5, iWantTFC, and TFC. 

Kasama rin ng KathNiel dito sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, and Irma Adlawan, along with Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva at Smokey Manaloto, sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

https://bandera.inquirer.net/311240/loyal-kathniel-fans-na-may-mga-trabaho-at-anak-na-nag-sorry-kina-kathryn-at-daniel-bakit-kaya

https://bandera.inquirer.net/289495/kiray-sinorpresa-ng-dyowa-bago-mag-birthday-mahal-na-mahal-kita-sobra-pa-sa-sobra

https://bandera.inquirer.net/283372/b-day-message-ni-kris-kay-miles-24-naging-nanay-ako-utang-na-loob-wag-mo-akong-gayahin-please

Read more...