Ex-PBB teen housemate may 17 anyos na anak na; nabuntis uli nang bumalik sa pagtatrabaho

Ex-PBB teen housemate may 17 anyos na anak na; nabuntis uli nang bumalik sa pagtatrabaho

Jamila Obispo

ANG saya-saya ng lahat ng dumalo sa ginanap na “Summer to the Max” media conference ng Viva Films sa Le Reve Events and Pool Resort, Sgt. Esguerra, Quezon City nitong Martes ng hapon.

Inanunsyo rito ng Presidente at CEO ng Viva Films na si boss Vincent del Rosario na marami pang upcoming films silang ipalalabas both sa Vivamax at sa mga sinehan.

Kaya ang mga Viva artists na dumalo ay palakpakan dahil halos lahat sila ay may mga upcoming movies base na rin sa mga movie posters na nakapalibot sa buong venue.

Iisa ang mga narinig naming pahayag ng mga artista at direktor na nakatsikahan namin na namumukod tanging ang Viva Films lang ang malakas ang loob na nag-shoot sa panahon ng pandemya para makapagbigay ng trabaho sa mga nawalan lalo na ang production staff na umaasa.

Isa si Jamila Obispo sa nakausap namin na sunud-sunod din ang pelikulang napapanood sa Vivamax tulad ng “Mahjong Nights”, “Kinsenas Katapusan,” at ang “Iskandalo” series kaya labis ang pasasalamat niya sa Viva bosses dahil may work siya ngayon.

Nakakatuwa si Jamila dahil itsura lang niya ang nagbago at hindi ang ugali, ganu’n pa rin siya simula nang una namin siyang nakausap paglabas ng “Pinoy Big Brother Teen Edition”  kasabayan sina Kim Chiu, Gerald Anderson at marami pang iba.

 

Hindi itinanggi ni Jamila na noong pumasok siya sa Bahay ni Kuya ay may anak na siya at kaya siya sumali ay para mapaoperahan ang anak niyang may cleft palate.

Kaya ito kaagad ang kinumusta namin sa kanya kahapon, Martes, “Okay na po siya magaling na, 17 years old na po. Graduate na ng Senior High. Magaling kumanta nagbabanda-banda,” masayang sabi ni Jamila na ramdam mong proud siya sa panganay niya.
May ikalawang anak ngayon ang aktres na 7 years old naman, “Nabuntis ako nu’ng nagtrabaho ako. Ha-hahaha! Pero okay naman na po.”
Inaming hindi pa siya kasal pero sila pa rin ng ama ng anak at kasalukuyan silang nakatira sa South kasama ang kanyang mga magulang.

Sinabi rin namin na muntik namin siyang hindi nakilala dahil ang puti-puti na niya kumpara noong paglabas niya sa “PBB” na kayumanggi.

“Ha-hahaha! Nag-glutathione ako, o di ba effective!” tumawang sagot sa amin sabay sabing, “Ano ba itsura ko, tumanda na?  Matured na?” Na sinagot naman namin ng “hindi” dahil mas nagkaroon pa siya ng aura ngayon.

Sa kasalukuyan ay mega-ipon si Jamila para sa kinabukasan ng pamilya.

 

Related Chika:
Nadine naghahanda na para sa bagong pelikula ng Viva; makakasama sina Diego at Epy

Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na

Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula

Read more...