DJ Chacha dinipensahan si Jake Cuenca sa mga bashers: Konting simpatya naman dyan

DJ Chacha dinipensahan si Jake Cuenca sa mga bashers: Konting simpatya naman dyan
IPINAGTANGGOL ng radio host na si DJ Chacha ang aktor na si Jake Cuenca laban sa mga mapangmatang netizens.

Agad kasing nag-trending ang screenshot mula sa Instagram story ng aktor kung saan makikita itong umiiyak matapos niyang kumpirmahin sa social media ang kanilang paghihiwalay ng longtime girlfriend na si Kylie Versoza.

“Mahirap bang magpakatao ngayon? “Konting simpatya naman diyan. Yung mga nagsasabing bakit ipinost pa ito ni Jake pwede namang sarilinin na lang. Hindi natin alam totoong dahilan,” saad ni DJ Chacha matapos niyang i-share ang trending screenshot ng aktor.

 


Aniya, baka raw talagang mataas ang emosyon ni Jake dahil sa sakit na nararamdaman sa paghihiwalay nila ng actress-beauty queen at wala itong makausap kaya ito ang naging paraan ng aktor.

“Pwedeng sa sobrang sakit ng break up nila ni Kylie tapos wala siyang makausap ng mga oras na yan, kaya yan naging outlet niya to let his emotions out,” pagpapatuloy ni DJ Chacha.

Diin pa niya, hindi naman daw biro ang pinagsamahan ng dating magkasintahan kaya hindi dapat ito pinagtatawanan lalo na’t msy iba’t ibang uri at paraan ang mga tao sa pagmo-move on.

“P’wedeng ito yung way ni Jake to let all his feelings out, para kahit papaano mabawasan ang sakit.

 

 

“Mahirap na ba magpakatao talaga ngayon? Bakit kailangang i-laugh react? Hay,” dagdag pa ni DJ Chacha.

Matatandaang nitong Sabado, April 23, ay tuluyan nang binasag ni Jake ang katahimikan at tuluyan nang inamin sa publiko na nagdesisyon na silang mag-separate ways ni Kylie.

Base naman kay Kylie, hindi pa raw sila nag-uusap ng aktor matapos silang maghiwalay.

Bagamat naghiwalay sila ay aminado naman ang aktor na nananatili silang magkaibigan at maayos nilang pinag-usapan at pinagdesisyunan ang kanilang paghihiwalay.

Related Chika:
DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

DJ Chacha: Si Nadine Lustre ang iboboto ko!

DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak!

Read more...