Sa wakas, natupad na nina Andi at Philmar ang pangarap na surf school at snack bar sa Siargao
FINALLY, naisakatuparan na rin ng engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sariling surf shop-school at snack bar sa Siargao.
Excited na ibinalita ng aktres sa madlang pipol ang bagong achievement nila ni Philmar bilang mga negosyante sa nasabing isla.
Nag-post ang future husband and wife sa kani-kanilang Instagram account ng ilang litrato na kuha sa opening ng itinayo nilang Kanaway Surf School at snack bar.
Nakasama nina Andi at Philmar sa pagbubukas ng kanilang business sa Siargao ang ilan nilang mga kaibigan at kakilala sa isla.
Base sa mga IG photos na ibinahagi ng mag-partner ilan sa mga pagkaing pwedeng mabili sa Kanaway snack bar ay ang avocado shake, iced coffee at chicken Caesar sandwich.
“My mahal enjoying an iced mocha from @kanaway.snackbar. He took a shift at the @kanaway.surfschool Surf Shop this morning, while the kids were asleep, and I went to go for a surf!
View this post on Instagram
“Grateful for all. The ups and even the downs. In bliss to be at this point where we are beginning to live our dream and more.
“By keeping our focus on the goal, while we enjoy the journey, timing of course, and each other. Wouldn’t be here without you mahal, @chepoxz!” ang caption ni Andi sa latest photo nila ni Philmar sa IG.
Sa isa niyang vlog sa YouTube unang ibinahagi ni Andi ang plano nila ni Philmar na karirin na ang pagnenegosyo sa Siargao, kabilang na nga ang pagpapatayo ng surf school bilang isang champion surfer naman ang kanyang fiancé.
“We are spending the morning here while waiting for papa who’s busy there working because finally, he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop.
“Ngayon, nag-partner up na siya with Mang Carding of Kanaway Surf School,” pahayag ni Andi sa kanyang vlog.
“So they are going to open Kanaway together this time and prepare the shop in time for you guys this summer.
“It would be obviously such a great help to the surfing instructors here kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” chika pa ni Andi.
https://bandera.inquirer.net/310127/andi-eigenmann-philmar-alipayo-tutuparin-ang-pangarap-na-magka-surf-school-at-snack-bar-sa-siargao
https://bandera.inquirer.net/294268/yassi-binisita-ang-pamilya-ni-andi-sa-siargao-i-love-when-you-see-some-of-your-real-friends
https://bandera.inquirer.net/302454/andi-eigenmann-aminadong-hirap-matapos-ang-pananalasa-ng-bagyong-odette-theres-still-so-much-to-be-grateful-for
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.