UMANI ng batikos ang viral Tiktok video ni Ai Ai delas Alas where she was clad in a red bikini.
Talagang pinag-usapan sa social media ang kapangahasan ni Ai Ai na mag-red bikini while dancing. Hataw sa lait ang inabot niya mula sa netizens na tila diring-diri sa kanilang nakita sa social media account ng comedienne.
“Laos na si lola HAHAHAHA.”
“Juice colored! Pwede naman ipakita in a proper manner, bakit ganun?!”
“Nagpaparamdam xa n kunin s rally kilangan nya ng pera.”
“Kakasuka oi.”
“Kahit anong pakulo ang gagawin mo Ay Ay hindi ka bagay lalo kang kakainis… laos ka na!!!”
“Sus ginoo nag mumurang kamias ang gurang panahon ng tag tuyot ba ngayon hahaha!”
Ang harsh ng mga comment nila, ‘no? Ano kaya ang reaction dito ni Ai Ai? Patulan kaya niya ang mga bashers niya o deadma na lang siya?
* * *
Ibang magpakita ng pagmamahal itong si Xian Lim sa “It’s Showtime” host na si Kim Chiu who celebrated her 32nd birthday recently.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Xian ng isang video na to mark Kim’s birthday. The video showed the couple’s special moments na magkasama.
Even sweeter is Xian’s message to the host of “It’s Showtime”.
“To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time. To my person that genuinely thinks of others before herself. To my person that loves unconditionally and is naturally born with a kind heart. To my person, to my always, happiest birthday! Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment,” say ni Xian.
With that ay napa-comment naman si Kim who said, “Awwww!!!!! thank you.”
Kilig na kilig din ang fans ng dalawa na nag-comment sa IG ni Xian.
“Engaged na si #majasalvador sana nemen kayu na ang nxt na maengage #KimXi.”
“I love you both. best tribute message Xi.”
“Thankyou for loving our chinitaprincess @xianlimm Happy Birthday @chinitaprincess I love you always forever crush kita since pbb continue to be blessed enjoy your special day.”
“Sweetest wishes i have ever read Xian always loves Kim passionately and only.. believe in Xian’s eternal love for Kim. palagi at magpakailanman @xianlimm @chinitaprincess.”
Related Chika:
Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit
Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy
Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her