LJ Reyes sa anak na si Aki: You will always be my baby boy!

LJ Reyes sa anak na si Aki: You will always be my baby boy!

HINDI napigilan ng aktres na si LJ Reyes ang maging emosyonal nang magsulat siya ng appreciation post para sa kanyang panganay na si Aki.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang assurance na kahit may “generational gap” silang mag-ina ay mananatili ang pagmamahal niya sa anak.

“I think I was quite young when I had you, but still the generational gap exists! Can’t deny that! Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak,” umpisa ni LJ.

Dagdag pa niya, “There will be days when I wouldn’t understand you right away and vice versa. Di ko na gets music nyo, at nacocornyhan ka sa music namin noon! Ang kulit ko parang naka-repeat araw araw sa responsibilities mo, pero makulit ka rin naman sa kakaulit ng game time and currencies mo! So quits lang tayo.”

Pero sa kabila ng kanilang hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba ay mananatili pa ring “baby boy” ni LJ ang kanyang panganay.

“You will always be my baby boy! I pray that someday, you will understand why I want you to put God first above all else. Let Jesus be your guide!”

Ani LJ, naaalala pa rin niya ang mga pagkakataon na pinalakas ng anak ang kanyang loob at patuloy niya itong iingatan at pananatilihin sa kanyang puso.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa mensahe ng aktres para kay Aki.

“I love this post. Gets na gets kita! At the end of the day, the important thing is both of you love each other enough to want to understand the other,” comment ng isang netizen.

“You’re so amazing LJ! A strong, empowered and independent woman! Girl power!” sey naman ng isa.

Saad naman ng isa, “You’ve taught Aki well, so proud of you both. He’s really lived up to his name.”

Sa ngayon ay nananatili pa rin sila LJ at ang mga anak niyang sina Aki at Summer sa Amerika.

Kamakailan lang rin nang bisitahin ni Paulo Avelino si Aki matapos ang naging concert nito kasama sina Ogie Alcasid at Janine Gutierrez sa Amerika.

 

Related Chika:
LJ wala nang balak balikan si Paolo: Ayoko na pong makausap siya kasi natatakot ako…

LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen

Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…

Read more...