'Fake and flabby abs' ni Maine nagpasabog ng good vibes sa socmed; Jennylyn, Dennis super atat nang makita ang anak | Bandera

‘Fake and flabby abs’ ni Maine nagpasabog ng good vibes sa socmed; Jennylyn, Dennis super atat nang makita ang anak

Ervin Santiago |April 19,2022
facebook
share this

‘Fake and flabby abs’ ni Maine nagpasabog ng good vibes sa socmed; Jennylyn, Dennis super atat nang makita ang anak

Ervin Santiago - April 19, 2022 - 04:09 PM

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Maine Mendoza

PINUSUAN at umani ng nakakaaliw at nakaka-good vibes na comments ang bagong bikini photo ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Proud na proud na ibinandera ng “Eat Bulaga” host ang litrato niya sa social media suot ang kanyang two-piece bikini and showing her “flabby abs”.

Makikita sa litrato na super laugh ang dalaga at ang inilagay niyang caption dito ay, “Flexing the happiness…and the fake and flabby ‘abs’.” Sinundan pa niya ito ng wacky face emoji at hashtag #opticalillusion.

Ang paniwala naman ng mga netizens ay nagbibiro lamang si Maine sa kanyang mensahe dahil ang alam nila ay totoo ang abs ng girlfriend ni Arjo Atayde dahil regular itong nagwo-workout.

In fairness, sa loob lamang ng 20 minuto matapos itong i-post ni Maine sa kanyang IG page ay humakot na ito ng 20,000 likes at daan-daang comments.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)


* * *

Super excited na ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ma-meet ang kanilang baby.

Sa Instagram, nag-share ang Kapuso Ultimate Star Jennylyn ng litrato nila ni Dennis na kuha sa kanilang maternity photoshoot.

Dito, nakasuot ng black long sleeve slit dress ang aktres habang naka-white tank top at black jeans naman ang Kapuso Drama King at nakahawak sa baby bump ng kanyang misis.

“We can’t wait to meet you,” ang maikling caption ni Jennylyn sa kanyang IG post.

Maraming nagpahayag ng positibong comments sa litrato ng mag-asawa kabilang na ang soon-to-be godmother ng magiging anak nila na si Marian Rivera.

“Excited na si ninang Yan na makita ka,” ang mensahe ng Kapuso Primetime Queen para sa magiging inaanak.

“See you soon Ninang Yan,” ang reply naman ni Jennylyn sa magiging kumare.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ikinasal sina Jennylyn at Dennis noong November, 2021 tatlong linggo matapos nilang i-announce na sila’y engaged na at magiging mommy at daddy na rin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Geneva Cruz hot mama sa edad na 45; ibinunyag ang sikreto sa seksing katawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending