4 na bida ng 'Iskandalo' type maka-one night stand sina Piolo, Chris Hemsworth, Harry Styles, Channing Tatum | Bandera

4 na bida ng ‘Iskandalo’ type maka-one night stand sina Piolo, Chris Hemsworth, Harry Styles, Channing Tatum

Reggee Bonoan |April 10,2022
facebook
share this

4 na bida ng ‘Iskandalo’ type maka-one night stand sina Piolo, Chris Hemsworth, Harry Styles, Channing Tatum

Reggee Bonoan - April 10, 2022 - 01:57 PM

Ayanna Misola, Jamila Obispo at Cindy Miranda

DIRETSONG natanong ang limang bidang girls ng 10-part Vivamax original series na “Iskandalo” kung sinong celebrity ang gusto nilang maka-one night stand with matching video.

“Hindi po ako magdadalawang-isip kapag si Chris Hemsworth po ang aking nasa harapan, si Thor sobrang crush ko po ‘yan. Lahat ng movies niya pinapanood ko, but of course we know him as Thor iba ‘yung dating niya.

“Ang amo ng mukha pero ang macho. I’m a fan of Chris Hemsworth and yes I’m willing to do it with Thor. Ha-hahaha!” masayang sabi ni Cindy Miranda.

Si Harry Styles, ang singer-songwriter na miyembro ng One Direction ang gusto naman ni Ayanna Misola.

“Childhood crush ko siya at saka ang tagal na rin nilang hindi nagpapakita at kung makita man nila ako ‘yung kasama niya, char!” tumawang sabi nito.

Para kay Jamila Obispo, “Si Papa P (Piolo Pascual) na lang. Oo, si Papa P crush ko ‘yun, eh.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Nagulat naman kami sa sagot ni Angela Morena dahil isang babae at isang lalaki ang gusto niyang maka-sex, “Isang international, si Channing Tatum ng ‘Magic Mike.’ Oh my gosh! Kakapanood ko pa lang, to die for.

“Sa local naman gusto ko sa babae if ever (na ikinagulat nga ng lahat). Ha-hahaha!  Sa babae, crush na crush ko na girl si Rhen Escano, si Lenlen ng Adan (pelikula ng Viva),” say ni Angela.

Hirit ni Cindy (kasama ni Rhen sa Adan), “Oh my God, yeah my Lenlen. If you’re watching Lenlen, hello!”

“Yes, si Lenlen mo,” sabi rin ni Angela.

Sa tanong kung okay sa kanilang kunan sila ng video habang nagme-make love sila ng kanilang partner o karelasyon.

Nauna uling sumagot si Cindy, “Agree po ako dahil couple naman sila at exclusive naman sila sa isa’t isa, yes why not, di ba? Sometimes it’s just for fun and to do something to make it different in a relationship.

“Sometimes di ba kapag repetitive ang ginagawa ng couple nagkakasawaan, so, maybe that’s why they’re doing that or kapag magkahiwalay sila napapanood nila ang isa’t isa.

“Pero sana, alagaan nila ang mga cellphones nila kasi siyempre baka mawala ‘yan at mapanood ng iba,” aniya pa.

Para kay Angela, “Yeah I agree po kung meron consent ang bawa’t isa at couple naman sila. Tapos kung ganu’n kayo ka-adventurous, ganu’n kayo ka-wild, sure go!  ‘Yun lang ingatan talaga and be ready sa mga consequences if ever may mangyari.”

Hindi naman pabor si AJ na gawin ito sa sarili niya, “Well, ako naman wala naman akong problema sa ibang tao kung gagawin nila ‘yun buhay nila ‘yun.  Pero kung ako ang tatanungin kung gagawin ko ang mga ganu’n bagay magno-no ako.

“Adventurous din ako pero sa video siguro no ako sa sarili ko.  Kasi natatakot din ako sa iskandalo.  Ayaw kong magkaroon ng sex scandal, pero okay sa akin ang opinyon ng iba,” katwiran ni AJ.

Okay din ito kay Jamila dahil nagawa na raw niya ito noon, “Agree naman ako kasi masaya ‘yun, eh.  Na-try ko na ‘yun before. Char! Ha-hahaha! Parang it adds flavor lang din sa relationship di ba?  Parang pampakiliti, ganern!”

Okay din daw ito kay Ayanna, “Ako po agree kasi kailangan din minsan lalo na kapag LDR o long distance relationship pero ‘yun nga dapat ready ka sa mga consequences na puwedeng mangyari.”

Anyway, napanood namin ang unang episode ng series ng “Iskandalo” na idinirek ni Roman Perez, Jr. kaninang madaling araw at kaya pala ipinapanood na ni Cindy sa pamilya niya ang series ay dahil alagad ng batas ang role niya  at hindi siya nagpa-sexy dito katulad ng sa past movies niya.

Simula ngayong araw, Abril 10 na napapanood sa Vivamax ang “Iskandalo” series produced ng Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa series sina Julio Diaz, Evangeline Pascual, Sean de Guzman, Rocky Salumbides, Pio Balbuena, Francis Maguindayao, Joko Diaz, Jay Manalo, Joone Gamboa at marami pang iba.

Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya

AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu

Carla naimbiyerna kay PJ Abellana nang dahil sa ‘one-night stand’ chika kay Tom: She was questioning me why…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending