HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng mga bashers ang dancer, actress, at entrepreneur na si Dawn Chang.
Nagsimula ang walang katapusang pamba-bash sa aktres matapos nitong punahin si Toni Gonzaga sa ginawa nitong pagsuporta sa kandidatong nagpasara ng ABS-CBN na siyang dahilan rin ng pagkawala ng trabaho ng libo-libong empleyado ng Kapamilya network.
Matapos nga ang pag-call out ni Dawn sa aktres ay ang kanyang pagtindig at pagpapakita ng suporta sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Kahit na mahigit isang buwan na ang nakakalipas buhat nang magpakita ng suporta ang dancer-actress at ipahayag na isa siyang “kakampink” ay paborito pa rin siyang bwisitin ng mga bashers.
Noong March 30 ay nag-post si Dawn ng kanyang larawan na may caption na “I always wanted a balanced life. So sometimes I’m a beauty, sometimes I’m a beast. Hahaha”
At nitong April 7 ay isang Twitter user na si @MaywardFanboy93 ang nag-comment sa kanyang post.
“Para sa franchise kahit walang project sa ABS CBN hahahaha umaasa ka pa din?”
Agad namang sinagot ni Dawn ang netizen at sinabing hindi lang nakabase sa ABS-CBN franchise ang kanyang ipinaglalaban.
“Sa magandang kinabukasan oo naman. Lalo na para sa tulad mo.
Pagpapatuloy pa ni Dawn, “Para maintindihan mo na hindi naka-base sa franchise ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan.
Sa magandang kinabukasan oo naman. Lalo na para sa mga tulad mo. Para maintindihan mo na hindi nakabase sa franchise ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan. Kaya huwag ka mawawalan ng pag asa ha. Kaya mo yan. https://t.co/PxNPuxAbMc
— DAWN CHANG (@thedawnchang) April 7, 2022
Pinayuhan pa niya ang netizen na huwag mawalan ng pag-asa.
Marami namang netizens ang pumanig sa naging statement ni Dawn.
“Isa lang ang ABS-CBN sa pinaglalaban natin, bukod sa matigil ang parayan, mawala ang corruption, mapreserve ang kalikasan at mabigyan ng maayos na serbisyo anf taongbayan. Trabahong marangal para hindi na gawing kabuhayan ang trolling,” saad ng isang netizen.
Tila binara naman ng isang netizen ang basher at sinabing abangan na lang si Dawn sa “Darna” the TV series.
Ngunit palaban ang basher at tuluyan na ngang dinamay ang pangalan ng presidential candidate.
“Wala kayong maloloko dito. Pinakagoal nyo is mabalik ang franchise kaya nagsama sama kayo. Bakit hindi n’yo ginawa yung pagsuporta nyo ngayon nung 2016 nung tumakbong VP (vice president) si Leni dahil may franchise pa kayo nun?”
Isang pahayag naman ang inilabas ni Dawn kung bakit niya sinusuportahan si VP Leni.
— DAWN CHANG (@thedawnchang) April 6, 2022
“I’m at a stage in my life where I’m manifesting the right kind of love in the next 6 years ng buhay ko, importante sakin ang kinabukasan ng magiging pamilya ko, lalo na ng magiging anak ko,” pagsisimula ng aktres.
Ani Dawn, kinakailangan niyang gumawa ng mga tamang desisyon sa araw-araw at ang pagpili niya kay VP Leni bilang kanyang presidente ang tamang gawin.
“Gusto ko sabihin ng anak ko na ‘I’m proud of you mom, ang taas ng standards mo sa pagpili ng leader’.
“Ayoko[ng] kahit kailan kwestyunin ng magiging anak ko na bakit ako bumoto ng magnanakaw, sinungaling at tax evader. Hindi ko idya-justify ang mali para lang hindi ako mapahiya,” pagpapatuloy ni Dawn.
“Now that I have a choice at meron akong kayang gawin, hindi ako mapapatahimik ng kahit na sino dahil ang laban ng ating bukas ay ngayon.”
Hirit pa ni Dawn, simula raw nang manindigan siya ay na-hack ang kanyang Facebook account na hanggang ngayon ay hindi pa rin nare-recover.
“Huwag na kayong ma-shock if after this post mawala ang iba kong socmed accounts.”
Related Chika:
Dawn Chang nainsulto sa ginawa ni Toni Gonzaga: Alam kong magtatampo si Kuya
Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post
Dawn Chang tinawag na ‘sawsawerang starlet’, ‘papampam queen’ ng bashers dahil sa #NoToAbuse post