TUNAY talagang may matanglawin ang mga netizens matapos may makahuli sa aktor na si Paolo Contis na nag-like sa bagong post ni Yen Santos sa Instagram.
Kalat na nga sa social media at usap-usapan na ng mga Marites ang dalawa dahil mabilis na na-screenshot ni Senyora ang IG post ng aktres kung saan makikita ang aktor na naka-like.
“Stay strong to my favorite best friends,” caption ni Senyora na gumamit pa ng red heart and raised fist emoji na tila tinutukso sina Paolo at Yen.
Sa mga hindi aware, si Senyora ay isang spoof character ni Senyora Santibañez mula sa hit Mexican telenovela noon na “Marimar”.
Nag-comment naman sa post ni Senyora si Paolo at sinabing “Salamat.. bilis ah!”
Muli na namang kinunan ng screenshot ni Senyora ang post na may comment ng aktor at ibinahagi rin ito sa kanyang Facebook page.
Sey pa niya, “Aba syempre naman! Yan pinagkakaabalahan ko sa IG. Baguio na ulit. Sama me.”
Tila hindi na talaga matatanggal ang pangalan nina Paolo at Yen sa tuwing masasabi ang lugar na “Baguio” at maski ang phrase na “as a friend”.
Nagsimula kasi ito nang mamataan ng madlang pipol ang dalawa sa Summer Capital of the Philippines noong August 2021, kasagsagan ng isyu na on the rocks na ang aktor at ang partner nitong si LJ Reyes.
Marami ang nagturo sa aktres bilang “third party” sa paghihiwalay nina Paolo at LJ ngunit agad itong pinabulaanan ng aktor at sinabing nagkita lamang sila sa Baguio “as a friend”.
Makalipas naman ang ilang linggo ay namataan ang dalawa na nagkaroon ng dinner date nang magdiwang ng kaarawan ang aktres at nakita rin sila ng netizens sa airport nang pumunta sila sa Boracay para magbakasyon.
Sa kabila ng mga insidenteng nahuli sina Paolo at Yen ng madlang pipol ay hindi naman umamin ang dalawa kung ano nga ba ang estado ng relasyon nila.
Sa katunayan, may kumalat pa ngang balita nitong Marso 2022 na naghiwalay na raw ang dalawa pero ilang araw lang nang pag-usapan ito sa social media ay nakita naman sila na magka-‘HHWW’ o holding hands while walking sa isang mall sa Makati.
Mukha namang maayos ang relasyon nina Paolo at Yen kahit na hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon ukol sa estado nilang dalawa.
Related Chika:
Ogie Diaz kay Paolo Contis: Kayo pa ba ni Yen Santos o hindi na?!
Paolo, Yen spotted na magka-holdings hands sa mall, hindi totoong hiwalay na?
Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos