Bea nagsimula nang mag-taping para sa 'Start-Up', promise sa fans: May bongga siyang Filipino twist | Bandera

Bea nagsimula nang mag-taping para sa ‘Start-Up’, promise sa fans: May bongga siyang Filipino twist

Ervin Santiago - April 05, 2022 - 06:51 PM

Bea Alonzo at Alden Richards

THIS is it! Excited ngang ibinalita ng Kapuso actress at vlogger na si Bea Alonzo sa kanyang mga supporters na nagsimula na siyang sumabak sa lock-in taping para sa unang serye niya sa GMA 7.

Ibinahagi ni Bea ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram page kung saan ipinakita pa niya ang isang bahagi ng lugar kung saan siya mananatili ng mahaba-habang panahon.

Makikita sa IG post ni Bea ang kanyang silhouette photo na kuha sa loob ng kanyang kuwarto with a super gandang sunset view.

Ang tinutukoy ngang project ng aktres ay ang unang pagtatambalan nilang serye ni Alden Richards sa GMA, ang pinakaaabangang Philippine adaptation ng hit K-drama series na “Start-Up.”

“First taping day for my new series as a Kapuso,” ang simulang pagbabahagi ni Bea sa caption ng kanyang litrato.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Dagdag pa niya, “Thank you, Lord, for blessing us with this beautiful sunset today.

This reminded us of how wonderful you are and how amazing your plans are for each and everyone one of us,” mensahe pa ng dyowa ni Dominic Roque.

Pagpapatuloy pa ng bagong ka-loveteam ni Alden, “I trust that you will guide me as I embark on this new journey. Handa na akong makilala ka, DANI.”

Sa panayam namin kay Bea kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment press sa event ng Beautederm kamakailan kung saan muli siyang pumirma ng kontrata bilang brand ambassador, nabanggit ng dalaga na napanood na niya ang Korean version ng “Start-Up.”

“Siyempre, maganda ang Start-Up. Actually, kinakabahan ako dahil alam kong marami siyang naging fan, may pressure.

“But what I can promise, magkakaroon ng uniquely Filipino twist. Somehow may iba, pero I can’t tell you yet kung ano ang maiiba precisely. Pero, meron tayong own flavors na ilalagay sa Start-Up,” aniya pa.

Ang “Start-Up” ay kuwento ng mga young entrepreneurs na nangangarap maging successful sa napiling negosyo. Handa silang gawin ang lahat to make it big sa larangang kanilang napili.

Makakasama rin dito sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Gina Alajar at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/308038/start-up-nina-alden-at-bea-lelebel-sa-descendants-of-the-sun-nina-dingdong-at-jennylyn

https://bandera.inquirer.net/298298/dinner-date-nina-paolo-contis-at-yen-santos-buking-sa-ig-story-aamin-na-nga-ba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289698/bossing-kay-tito-sen-saan-ka-man-dalhin-ng-iyong-kapalaran-nasa-likod-mo-ang-buong-eat-bulaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending