Nadine Lustre ayaw tantanan ng ‘buntis’ issue: How TH am I pregnant every year?

Nadine Lustre ayaw tantanan ng 'buntis' issue: How TH am I pregnant every year?
TRENDING na naman ang aktres na si Nadine Lustre dahil sa kumakalat na balitang nagdadalangtao siya.

Well, hindi naman na bago para sa mga female celebrities ang ganitong chismis pero ang malala ay lagi na lang nai-issue ang dalaga na nagdadalangtao siya.

“How TH am I pregnant every year,” saad ni Nadine sa kanyang Twitter account.

Nagsimula ang pregnancy rumor ng dalaga matapos kumalat ang isang edited video sa social media kung saan ini-reveal na raw ng aktres ang kanyang pagdadalangtao sa kanyang YouTube channel.

Doon pa lang ay halata nang fake news ito dahil hindi pa naman pinapasok ni Nadine ang mundo ng pagba-vlog.

 

 

Marami naman sa netizens at fans nito ang nag-react sa kanyang tweet.

“Soon enough mababalitaan mo na lang from them na nagpabinyag ka na raw ng bagets. These people, daming time chumika, walang time for character development,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “You’re so relevant, Nadine that’s why people keep looking for you to be in the news.”

“Totohanin mo na nga miss @hello_nadine para tanggal angas naming lahat,” sey ng isa pa.

Matapos ang unang tweet niya ukol sa pagbubuntis ay nag-tweet ito na gusto niya ng chicken inasal.

“Lihi yarn? HAHAHAHAHAHA EMZ,” saad ng isang netizen na nireplyan ni Nadine ng “Gutom lang talaga to” kalakip ng isang GIF.

Para naman sa mga nakaka-miss sa aktres, maaari naman siyang mapanood sa kanyang comeback movie na “Greed” na mapapanood sa Vivamax.

 

Related Chika:
Si Nadine Lustre na nga ba ang bagong ‘Andi Eigenmann’?

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Read more...