HINDING-HINDI makakalimutan ng TV host-comedienne na si K Brosas ang panghihipo ng isang lalaki sa kanyang boobs habang nagpe-perform sa isa niyang live show.
Naikuwento ng komedyana ang tungkol dito nang mapag-usapan ang mga kakaiba o weird experience niya bilang singer-performer sa face-to-face presscon ngayong araw ng bago niyang show sa TV5.
Humarap si K Brosas sa ilang members ng entertainment media sa press launch ng upcoming Kapatid program na “Lakwatsika” kung saan makakasama rin niya si Ethel Booba bilang co-host.
Sa isang bahagi ng question and answer portion, natanong ang dalawang Kapatid stars kung ano ang pinaka-weird o pinakamalalang karanasan nila bilang mga komedyana at concert artists.
Kuwento ni K, may nang-assault daw sa kanya na isang lalaki mula sa live audience habang kumakanta siya. Talagang hinawakan ng guy ang kaliwang dibdib niya at ang ginawa niya pinahawakan din daw niya ang kanan.
Talagang iniyakan daw niya ang eksenang yun pero hindi na niya it ipinakita sa mga tao at sa mga kasamahan niya.
“Nagulat ako siyempre, pero yung unang reaksyon ko, okay sige part of life. So, sabi ko, ‘ah ganu’n ba, gusto mo rin ba yung kanan!?’ Du’n parang naano siya…kasi nakita niya palaban ako, e.
“Du’n parang nahimasmasan na siya. Na-realize siguro niya na mali ang ginawa niya. Tapos nu’n hinampas ko siya ng…ha-hahaha! Yun lang yun.
“Yung iba naman, sumisigaw ng, ‘Kumanta ka na lang.’ E, sa akin, normal na lang yun na merong mga magsasalita ng hindi maganda. E, you can’t please everybody. Meron at meron talagang mangnenega sa yo,” pahayag pa ni K Brosas.
Kuwento naman ni Ethel Booba, palagi raw siyang napagkakamalang bading kapag nagso-show siya, lalo na sa ibang bansa.
Nahe-hurt nga raw siya dahil sa dami ng mga pinaretoke niya ay sinasabihan pa rin siya na mukhang beki.
Samantala, isa ngang bago at original travel reali-talk show ang handog ng TV5, Cignal Entertainment at Red Crane Studios, para sa umagang puno ng adventure at tsika.
Kasama ang Lakwatserang Bibang Biba Ethel Booba at Tsikadorang Puno ng Kwela K Brosas, tuklasan ang iba’t ibang parte ng Pilipinas kasama ang ilan sa mga paboritong artista upang pasyalan ang kanilang mga lugar na pinanggalingan at kilalanin ang kanilang mga kababayan.
“Matagal ko nang gustong maging part ng isang travel show na very very light na tatawa ka lang kasi enjoy lang sa kwentuhan din at experience. Super touched ako sa opportunity TV5, kasi na-tweet ko talaga to 8 years ago pa!” sabi ni K.
Sey naman ni Ethel, “Masasabi kong madami na akong napuntahang lugar sa PIlipinas dahil nga sa mga dati kong shows pero itong sa Lakwatsika, ang bida kasi dito is yung mga lugar at yung mismong mga tao.
“Tapos madami akong natututunan at ma-realize mo na lang talaga na maganda ang Pilipinas at iba rin talaga ang pag-aalaga ng mga tao tulad yung episode namin sa Masbate,” aniya pa.
Makakasama naman online para maka-bonding at maging On The Watch (OTW) sa bawat ganap ang mga Lakwatsidoras, na pinangungunahan nina Bidang Batangueña Queenay na may 11.5 million followers sa TikTok, at Reyna Probinsyana Marimar Tua, na kamakailan lang ay itinanghal bilang Ultimate BidaOke Star ng “Sing Galing.”
Para sa unang gala ng barkadahang rarampa sa umaga, sasabak si Te Ethel at Kumareng K sa rodeo capital ng bansa, Masbate, kung saan masusubukan nila ang buhay cowgirls sa mga rancho.
Maliban sa mga masasarap na seafood at nakamamanghang mga isla sa municipality ng Cawayan, nakakapanabik din ang mainit na pagtanggap ng mga Masbateño sa kanila.
Kaya naman ‘di nakapagtataka kung bakit nakamit ng show ang suporta ng Department of Tourism (DOT) dahil sa mga layunin ng Lakwatsika na itaguyod ang local tourism at pride sa sari-sariling mga hometown.
Tampok din sa show ang mga travel experts at regional partners na maghahalad ng kanilang mga expertise sa kani-kanilang probinsya.
Papasyalan, titikman at ibibida ang iba’t ibang kakaiba pero maipagmamalaking mga lugar, pagkain, industriya, komunidad at ganap sa bawat probinsya. At higit sa lahat, aalamin ang mga kwento ng pag-asa, galing, tibay, at pangarap sa buhay ng ating mga kababayan.
Abangan ang “Lakwatsika” mula Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m. sa TV5 simula April 18.
https://bandera.inquirer.net/301174/k-brosas-umapela-sa-madlang-pipol-na-nagpa-book-sa-siargao-wag-muna-tayo-magpa-refund
https://bandera.inquirer.net/292783/anak-ni-k-brosas-may-banta-sa-mga-nanloko-sa-nanay-niya-sa-korte-galingan-nyo-ang-punchlines-nyo
https://bandera.inquirer.net/292890/k-brosas-napaiyak-sa-napurnadang-dream-house-masakit-kasi-ang-tagal-kong-nagmakaawa