Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

USAP-USAPAN ngayon si Baron Geisler matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nila ng kanyang asawang si Jamie.

Sa naturang video ay makikita na nakahiga sa kama ang aktor habang ang misis naman nito ay nakatayo habang pagalit na kausap ang asawa.

Si Baron mismo ang nag-post ng pag-aaway nila sa kanyang Instagram account kaya palaisipan kung aksidente lang ang pagkaka-post nito o sinadya niya.

Hindi naman nakaligtas ang ganap ng mag-asawa at isa ito sa mga naging topic sa “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Tita Jegs, at Brena.

“Nasa kama si Baron tapos parang tumatalak ang misis niya at ang sabi, ‘Ano? Gusto mo magpasaklolo? Tawagan mo ‘yung sugar mommy mo. Ano? Gusto mo magpaano sa gwardya?'” kuwento ni Ogie.

Sa bwisit nga ng asawa ng aktor ay binato siya nito ng container na may lamang sabaw na kumalat sa binti at kama kung saan nakahiga si Baron.

Sey pa ng aktor sa video, “Oh my God! What is this? Sinong kailangang i-rehab?”

Base sa interpretasyon ni Ogie, tila sinasabi ni Baron na hindi siya ang dapat magpa-rehab bagkus ang misis niya ang may kailangan nito.

 

 

Natanong naman ni Mama Loi kung bakit nag-aaway pa ang dalawa dahil ang huling balita niya ay nagbalik loob na sa Panginoon ang aktor at iwas na ito sa pag-inom.

Sagot ni Ogie, “Hindi naman totoo ‘yun. Ako ha, feeling ko lang. Kilala ko si Baron. E hindi, hindi pa rin makakatiis si Baron, iinom at iinom pa rin yan.”

Dagdag pa niya, hindi raw maiiwasan ito kahit na may withdrawal na sa pag-inom ng alak. May nabalitaan pa nga raw siya na minsan ay uminom pa rin ang aktor.

“Akala ko nga completely healed at completely reformed na si Baron.

“Panget naman, para tayong mga Marites dito na naghihinu-hinuha kung ano ang naging cause ng kanilang away pero hayaan mo na sila ang magpaliwanag niyan,” sey pa ni Ogie.

Payo naman ng talent manager, sana raw ay maayos nila ang kanilang gusot at pag-usapan na lamang ang problema at huwag nang i-video.

Sa ngayon ay deleted na ang video na ito sa account ni Baron.

May post rin ito sa kanyang Facebook account na “I am sorry.. know one is perfect. I wish I had a magic book to turn things around.. I am a terrible person.”

Bukas naman ang Bandera para sa panayam nina Baron Geisler at ng asawa nitong si Jamie.

 

Related Chika:
Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Baron humingi ng tawad sa mga beking pisikal niyang nasaktan: Sana po mapatawad n’yo na ako

Read more...