McCoy bawal makipaghalikan at makipag-love scene sa pelikula, hirit ni Elisse: Selosa kasi ako!

Elisse Joson at McCoy de Leon

NANG unang magsama ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa pelikulang “Sakaling Maging Tayo” noong 2018 ay on and off ang relasyon nila bilang boyfriend and girlfriend.

Sa ikalawang pelikulang nagawa nila na may titulong “Habangbuhay” ay nagsasama na sila bilang live-in partners at nabiyayaan na rin ng isang anak, si Baby Felize.

Feeling nga namin ay sequel ang “Habangbuhay” ng “Sakaling Maging Tayo” base sa naging takbo ng buhay pag-ibig ng McLisse.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Habangbuhay” na idinirek ni Real Florindo produced ng Viva Films na mapapanood sa Vivamax Plus sa April 20 at April 22 naman ang regular viewing sa Vivamax ay inamin nina McCoy at Elisse na may second thoughts sila na tanggapin ito.

“Ang haba po ng process before we actually were able to do this film. Siguro, ‘yung deciding factor is because nga, we have to consider na we have a baby and also, the work circumstances na pandemic tapos may baby kaming kasama,” kuwento ni Elisse.

Young love o tipong pang-estudyante ang kuwento ng “Habangbuhay” kaya baka hindi bumagay sa McLisse lalo na’t may anak na sila.

Pero naisip nilang pandemic ngayon at maraming walang work at masuwerte sila na meron pa ring offer sa kanila sa panahon ng krisis kaya tinanggap na nila.

“Nakakatuwa po na seeing the sneek peek, pwede pa pala,” nakatawang sambit ng aktres.

Puring-puri naman ni direk Real ang wife-to-be ni McCoy dahil magaling umarte at ikinumapara pa sa sikat na aktres.

“I would say you know, Elisse, maybe your next Bea Alonzo. I mean, that’s how good she is. Pero magugulat din kayo kay McCoy kung gaano kalaki ‘yung range na kaya niyang ibigay.

“So, itong dalawang young actors na ito, you know, mahaba pa ‘yung tatakbuhin ng career nila. I’m not over-patronizing the project, but sobrang happy ako that I got them as the main actors in Habangbuhay,” diretsong sabi ni direk Real.

Speechless naman ang McLisse at teary-eyed pa ang aktor kaya super pasalamat sila sa kanilang direktor at sa Viva Films.

Say ni McCoy, “First time ulit namin na magka-project together and first time namin na may batang naiwan. Kaya excited na gustong umuwi rin and excited na magka-work ulit.”

Base sa titulo ng pelikula, habangbuhay na nga ba ang McLisse with Baby Felize?

“Yes, panghabangbuhay na ito. Kagabi nga lang, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi may trabaho ako, may masayang pamilya. Sobrang kontento ako sa buhay ko ngayon and ‘yun, sobrang happy,” masayang tugon ng aktor.


Say naman ni Elisse, hinding-hindi siya mawawala sa tabi ng mag-ama niya kahit na anong mangyari.

At dahil may anak na ang McLisse siyempre ang tanong ng lahat ay may plano na ba silang magpakasal at natawa ang aktor dahil marami na raw ang nagtanong nito sa kanila lalo na ang mga kaanak nila.

“Siyempre, sa amin, hindi naman pressured pero alam namin sa sarili namin na meron ganu’n, isang time na ganu’n na malalaman na lang namin.

“And siyempre, sa akin mangagaling, ’di ba? Ang masasabi ko lang for now gusto namin explore pa ’yong bawat side namin.

“Kasi kung hindi ninyo pa alam, marami pa kaming ini-explore ngayon, marami pa kaming kakaibang nalalaman sa bawat isa kaya nandoon kami. Tapos ayaw namin biglain, ayaw namin madaliin,” paliwanag ni McCoy.

Sabi naman ni Elisse, “Preparations kasi talaga because ’yon nga, alam naman natin with a baby, sudden din. So we want to be prepared to move forward din with our future kasi malaking bagay na ’yon dahil nga meron na din kaming anak. So we want to be prepared.”

Biglang hirit ni McCoy, “Ready ka na ba?”

“Syempre, kasama na du’n ’yong kailangan mag-ipon,” tumawang sagot ni Elisse.

Sabay sabi ng aktor, “Nag-iipon pa kami. Gusto namin muna mag-ipon din.”

Samantala, hindi nag-aaway ang dalawa pero kapag may nababalitaang couple na nagkakahiwalay ay nadadamay si McCoy.

“Kapag may mga issue sa akin napupunta ‘yong duda, e. Sabi ko, ‘Nanay, hindi ko alam ito.’ Ganu’n, ganu’n s’ya. Kaya sa mga artista, wag na kayo maghiwalay nadadamay ako. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ng aktor.

Dagdag pa, “Lagi kong sini-secure są kanya na, ‘Wag mong pansinin yong mga yan ang isipin natin paano tayo mabubuhay, paano natin mapapasaya ’yong anak natin, ang bawat isa sa atin. Alagaan natin ’yong relationship natin.”

Say naman ng aktres, “Ang kailangan lang naman talaga is you both feel secured with each other. Okey naman ’yon kahit may news pa from other people na hiwalayan. Hindi na ’yan makakaapekto sa inyo.”

Sa mga projects ay hindi puwedeng may kissing scene o love scene si McCoy. Aminadong super selosa si Elisse, “Selosa po ako. Ha-hahaha! Pero ’yon nga, depende sa kung ano ’yong material na ibibigay kay McCoy.”

Hirit ng aktor, “Siya raw mag-a-approve. Ha-hahahaha!”

Makakasama rin ng McLisse sa “Habangbuhay” sina Yayo Aguila, Lander Vera-Perez at Dexter Doria.

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Sharon iritable sa medical lab na naging dahilan kaya hindi natuloy sa JoKoy movie

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Read more...