Barbie Imperial, Diego Loyzaga iwas na iwas magbalikan: Natatakot kaming masaktan uli ang isa’t isa | Bandera

Barbie Imperial, Diego Loyzaga iwas na iwas magbalikan: Natatakot kaming masaktan uli ang isa’t isa

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 07:10 AM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

DIRETSAHANG inamin ng napakaseksi at napakakinis na Kapamilya actress na si Barbie Imperial na talagang umasa na siyang si Diego Loyzaga ang kanyang “the one.”

Sa isang YouTube vlog na in-upload kahapon, inisa-isa ng dalaga kung ano ang naging mali at sablay sa relasyon nila ni Diego kaya nauwi rin ito sa hiwalayan.

Talagang napag-uusapan na raw nila ng hunk actor ang magiging future nila, ganu’n na raw sila kaseryoso sa kanilang pagsasama as young lovers.

“Yun naman yung love na akala ko yun na yun. May mga conversations kasi kami ni Diego na parang akala naming pareho, ayun na yun,” pahayag ni Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Aniya pa, “Pero nagulo talaga yung relasyon namin siguro kasi too much din yung exposure namin sa mga tao.

“Para sa akin kasi minsan, kapag sobrang alam na ng lahat ng tao yung about sa personal na buhay niyo, parang kaya na rin nilang sirain,” katwiran ng aktres.

Nauna nang itinanggi nina Diego at Barbie ang chika na nagkabalikan na sila pero inamin niya na maayos pa rin ang relasyon nila at nananatiling magkaibigan.

“Siguro for us, ganu’n namin ka-love yung isa’t isa na hindi na muna namin ita-try.

“Kasi ako noon, akala ko kapag mahal mo yung tao, enough na yun. Kapag alam namin na love namin ang isa’t isa, pwede na kayong magbalikan ulit.

“Pero sa amin po, takot kami na masaktan yung isa’t isa ulit kasi alam namin na ngayon, okay kami. Magkaibigan kami,” paliwanag ng dalaga.

Sey pa ni Barbie, pareho silang natatakot ni Diego na ituloy ang kanilang love story dahil ayaw naman nilang tuluyang mawala ang nai-save nilang friendship.

Dagdag na pahayag ni Barbie, “For me, if sa second time, i-allow ko yun and hindi ako happy doon, magtutuloy-tuloy siya. Hindi lang kami magiging masaya.”

Pagpapatuloy pa niya, “After ilang months kasi nag-US siya, pagbalik niya, nag-usap kami. Siyempre nandoon pa rin yung love.

“Hindi naman siya mawawala agad-agad talaga. To think na plinano ko yung buhay ko kasama yung tao na yun. Na-feel ko rin naman po sa kanya na nandoon pa rin yung love and sinabi niya naman,” chika pa ni Barbie.

At sa tanong kung ano naman ang nagpapasaya sa kanya ngayon, “Work and family and friends lang talaga.”

Pero sa kabila nito, umaasa pa rin ang fans ng mag-ex na sila pa rin ang magkakatuluyan sa ending.
https://bandera.inquirer.net/309699/barbie-imperial-umasa-nga-bang-magkakabalikan-pa-sila-ni-diego-loyzaga

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308731/barbie-itinangging-buntis-humirit-kay-diego-ako-nga-pala-yung-sinayang-mo-ha-hahahaha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending