Yeng Constantino balak magbuntis kapag na-achieve na nila ng asawa ang kanilang ‘goals’
SA nakaraang campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Bohol nitong Abril 1 ay isa si Yeng Constantino sa naging special celebrity guest.
Nakatsikahan siya ng vlogger-host-stylist at aktor na si Mama Loi sa YouTube channel nila ni Ogie Diaz kasama si Tita Jegs na “Showbiz Update” habang nasa standby area.
Pitong taon nang mag-asawa sina Yeng at Victor Asuncion o Yan pero wala pa silang anak dahil planado na raw ang lahat lalo’t hindi pa nila natatapos ang mga goals nila.
“Plano po namin noong bagong kasal kami na sana after two years magbe-baby na. Pero may proseso po kasi ‘yung mga bagay na gino-goals namin.
“Hindi po siya natapos ng dalawang taon, so ‘yung goal namin hanggang ngayon ina-achieve pa namin,” bungad paliwanag ni Yeng.
Base sa ipinakitang video ay ang ipinagagawang bahay sa Quezon ang ina-achieve ng mag-asawang Yeng at Yan na base sa pahayag ng contractor nila na napanood namin sa YouTube channel ng mang-aawit ay matatapos ito ngayong taon, 2022 na sinimulan noong 2021.
Sa pagpapatuloy ni Yeng, “Siyempre gusto po namin kapag nagsilang kami ng bata dito sa mundo is very secured na kumbaga.
“Kaya ipinapanalangin namin kay Lord na sana hindi unplanned, sana Lord ‘yung sa time na ready na talaga kami kasi gusto namin talaga na secure siya,” paliwanag ng singer.
May dalawang regular show si Yeng sa Kapamilya network, ang “It’s Showtime” at “ASAP.”
“Tuloy-tuloy pa rin po bilang Kapamilya at ngayon po nagbubukas na rin ang ibang bansa sa shows na recently po ay nanggaling kami sa Dubai, twice, December and February sa Expo Dubai kasama ko po ‘yung co-artists ko from Cornerstone,” tsika pa ng singer-songwriter.
View this post on Instagram
Kaya hindi muna nila minamadali ni Yan ang pagkakaroon ng anak, “Just taking my time kaya sana mas bonggang-bongga pa (shows sa ibang bansa) para makapag-ipon pa tayo.”
Sa kasalukuyan ay mga tinatapos na kanta si Yeng at balak din niyang bigyan niya ng bagong tunog ang kanyang old songs tulad ng ginawa raw ni Taylor Swift sa mga luma niyang kanta nito.
“Para po tumagal ang buhay ng mga kanta at ‘yung fans po pag narinig nila ay bago ulit sa pandinig nila kahit luma nap o ‘yung kanta,” esplika ni Yeng.
https://bandera.inquirer.net/299687/yeng-sa-pagpanaw-ng-ina-after-four-days-mula-nang-mawala-siya-saka-lang-ako-nakaiyak
https://bandera.inquirer.net/299023/lagi-kong-tinatanong-noong-bata-ako-mahal-ba-talaga-ako-ni-mama
https://bandera.inquirer.net/304282/ryan-nanghinayang-sa-kanila-ni-yeng-hindi-ko-napanindigan-yung-nararamdaman-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.