MOVING on din ang kuwento ng pelikulang “366” na isinulat at idinirek mismo ni Bela Padilla at siya rin ang bida kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos na mapapanood sa Vivamax sa April 13, 2022 Vivamax plus at April 15, on Vivamax.
Sa kuwento ng “366” si June (Bela) ay mayroong 365 days upang makapag-move on sa kanilang unhappy ending ni Pao (JC).
Nag-suggest si Marco (Zanjoe) na gawin nila ni June ang mga bagay na hindi nila nagawa ni Pao noon, at pumayag siyang maging proxy-boyfriend
Araw-araw, sa loob ng 366 days ay matututunan ni June at Marco ang mag-move on at magsimula ulit ng bagong buhay at pag-ibig.
Tumulong kay Bela para mabuo ang “366” ay ang mahusay na film at TV Director na si Irene Emma Villamor na siya ring creative producer.
Isang malapit na kaibigan ni Bela si direk Irene kaya binigay nito ang lahat ng kanyang nalalaman sa paggawa ng romance movies at sinigurado niyang ang vision ng aktres ay maayos na maipapakita sa pelikula.
Sambit ni Bela na-inspire niyang isulat ang kwento ng “366” nang bumiyahe siya sa Maldives at doon ay nalaman niya ang kuwento ng isang Pinoy couple na sinubok ng pagkakataon habang nasa kanilang dream travel destination.
Dito naisip ni Bela kung ano ang mararamdaman niya kung siya ang nasa lugar ng Pinay, at kung paano siya makakapag-move on. Sabi ni Bela, ang “366” ay ang kanyang idea sa pag-move on sa buhay at sa pag-ibig: hindi ito madali, ngunit posible ito sa paisa-isang hakbang araw-araw at natanong siya kung anong advise ang maibibigay niya.
“Parang nakakahiya namang magbigay ng advice kasi we all deal with issues differently, minsan may isyu na masyadong mabigat hindi tayo tinatamaan at doon pa tayo sa maliit nasasaktan or minsan napipikon.
“Dapat ang i-advice natin ‘yung mga taong nangpupuna. Dapat hindi tayo nangsisita ng maliliit na bagay na tulad ng masyadong mapayat, masyadong mataba, kung kelan magkaka-anak, kelan magkaka-boyfriend, kelan magkaka-girlfriend. Hindi dapat natin pinakikialaman ang mga ganu’n bagay. Hindi dapat natin ‘yun concern,” esplika ng aktres at direktora.
Nabanggit din ng aktres na hindi dapat naninita ng co-workers dahil hindi ito concern ng individual at kaya may HR department ang isang opisina ay dahil ito ang bahala sa mga ganitong klaseng problema.
Payo pa ni Bela, “kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa isang tao, huwag mong sabihin sa internet, i-comment sa Instagram page ng mga tao dahil hindi kasi tama o lalo na may pinagdaanan na tayo ng global pandemic tama pa ban a maninita tayo ng maliit na bagay? Hindi na appropriate na nagsasabi tayo ng ganitong bagay na nakalulungkot lang or nakakaapekto sa isang tao.”
Anyway, natanong si Bela kung bakit hindi siya na-link kay JC noong ginawa nila ang mga pelikulang “100 Tula para kay Stella”, “The Day After Valentines”, “On Vodka, Beer and Regrets” samantalang kay Zanjoe ay may relasyong napag-usapan pero hindi nagwagi nang gawin nila ang TV series na “My Dear Heart”. Hindi ba sila nagkaroon ng ilangan ngayong magkasama sila sa “366”?
“The last time we do (project) with Zanjoe was 2017. Kung meron mang link or anything, it was on 2017. So, by the time we shot this film in 2021, I think we both already, I don’t want to speak for Zanjoe, pero (for me) I already got passed that stage of my life.
“I was completely different person already in 2021 from 2017. So, okay na okay na po ako and also at the same time, I made sure na kinakausap ko na si Z (tawag sa aktor) bago kami dumating sa set. I already reached out and texted him to check base if were both okay with I remember personally sending the script.
“Asking him if meron ba siyang ideas o gustong i-suggest o palitan? I wanted this project to be collaborative also not just for Zanjoe but also for JC and also to make them feel that they can trust me on set ‘coz I don’t want to have negative emotions pag sa set namin,” paliwanag ng aktres.
Related Chika:
Bela Padilla inaming hindi dapat siya ang bibida sa ‘366’: I required Liza Soberano for this
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan