USAP-USAPAN na naman ang sexy actress na si AJ Raval matapos mag-viral ang kanyang video habang nagpe-perform sa “Arat na Cebu” concert noong March 26.
Base sa mga organizers, ang concert ay bahagi ng selebrasyon ng mga Cebuanos na naka-recover na sa nagdaang super typhoon Odette at COVID-19.
Sa naturang viral videos ay kumakanta si AJ ng “Stickwitu” ng Pussycat Dolls at pati na rin ng “That’s What You Get” ng Paramore.
Agad itong nag-viral dahil tila mukhang lasing raw na nagbi-videoke ang dalaga habang nasa stage.
“Nakasurvive sa typhoon saka sa pandemic. Dumugo naman ang tenga sa boses ni AJ,” birong saad ng isang netizen.
“Ganyan talaga pag lasing na. Shot puno,” dagdag pa ng isang netizen.
Maski nga si Senyora, isang sikat na Facebook page ay napa-react at napa-message sa sexy actress.
“Ano ba nangyari sa Cebu, AJ? Vinideoke mo naman,” saad ni Senyora.
Dagdag pa niya, “Ewan ko sayo. Paramore pa talaga binanatan mo. Bawi next time! Yung Kitchie Nadal Medley naman.”
Masaya naman si AJ sa naging pagtanggap ng mga taga-Cebu sa kanya kahit na hindi siya magaling kumanta.
Ibinahagi niya ang isang meme sa kanyang FB page kung saan ikinukumpara ang crowd na nanood sa naturang free concert kung saan siya nag-perform sa mga um-attend sa campaign rallies ng mga presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo, Bongbong Marcos, at Senator Manny Pacquiao.
“Funny meme pero ang nakakatawa hindi ako marunong kumanta pero vibe pa rin ang mga Cebuanos!!!” saad ni AJ.
Dagdag pa ng dalaga, “Daghang salamat Cebu!!! Solid kayo Cebuanos!!! I love you all. Thank you for the warmth welcome.”
Maliban kay AJ, present rin sa naturang concert sina Michael Pangilinan, Shanti Dope, Gloc-9, at ang bandang December Avenue.
Related Chika:
AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!
AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu