NILINAW ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na wala siyang kinalaman sa kumakalat na artcard sa social media.
Nakarating kasi sa beauty queen-actress na may artcard na kumakalat kung saan ginamit ang kanyang larawan para magpakalat ng false information online.
Bukod sa larawan ni Pia ay makikita rin ang logo ng CNN sa ilalim na parte ng artcard.
Patungkol naman sa “negative campaigning” ang tinutumbok ng nasabing fake artcard.
“Dont just believe in negative campaigns, I really do believe that if your heart is pure and ready to serve our country towards a better future then all you gonna do is to promote yourself and not by destroying figures of your co-candidate it may look desperate.
“I do believe that people who does negative campaigning is really on pressure and threatened because he/she is behind the other candidate,” diumano’y saad raw ni Pia sa artcard.
Kaya naman agad na nilinaw ng beauty queen sa pamamagitan ng pagre-retweet ng naturang fake artcard sa kanyang Twitter account na wala itong katotohanan dahil hindi naman niya ito kailanman sinabi.
“Hello po! I did not say this. Let us not spread fake news. Don’t believe all quotes that you see online. Let’s make it a habit to double check our sources. Ingat palagi!” paglilinaw ni Pia.
Hello po! I did not say this. Let us not spread fake news. Don’t believe all quotes that you see online. Let’s make it a habit to double check our sources. 💙 Ingat palagi! https://t.co/6Yxxedou6V
— Pia Wurtzbach | yourhighness.eth (@PiaWurtzbach) March 28, 2022
Sa ngayon ay deleted na ang naturang post ng netizen pero mas mabilis ang ibang netizen sa pagtatago ng resibo.
Muli namang nagpaalala si Pia sa mga netizens na siguraduhin munang maigi ang mga nakikita bago ito i-share sa social media.
Aniya, “I appreciate your comments relating to the post. But let’s always be mindful of what we share. Double check our sources, triple check if needed. No to fake news!”
I appreciate your comments relating to the post. 🥰 But let’s always be mindful of what we share. Double check our sources, triple check if needed. No to fake news! 🙏🏻💙
— Pia Wurtzbach | yourhighness.eth (@PiaWurtzbach) March 28, 2022
Related Chika:
Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career
Hugot ni Pia Wurtzbach sa 2022: Time is non-refundable, we need to use it wisely!