KAHAPON lang nang pormal na inanunsyo ang muling pagbabalik ng batikang brodkaster at mamamahayag na si Mike Enriquez.
Matatandaang pansamantala munang namaalam ang isa sa mga news pillar ng GMA network para sa kanyang kidney transplant.
Naging matagumpay naman ang transplant noong December 2021 ngunit kinakailangan pa niyang magpahinga ng tatlong buwan para masigurado na fully recovered na siya.
At sa loob ng tatlong buwang pamamahinga niya ay aminado siyang nakapagmuni-muni siya.
Pagbabahagi niya, nagkaroon siya ng “serious look” sa kanyang buhay at career.
“I’m not yet finish with the process. It’s still ongoing for me. It’s about my future, my career, my life,” pagbabahagi ni Mike.
Dagdag pa niya, “Ano bang gusto ko talagang mangyari sa buhay ko? Is it tine to turn off thr microphone? It it time to not turn ofc the microphone completely but to lessen [the work], mga gano’n ba?”
Pero nilinaw ni Mike na hindi pa siya nakakapagdesisyon at nasa proseso pa lamang siya ng pagpapasya.
“Sometimes, sasabihin n’yo, ‘Ayoko na,’ or ‘Time to pack up and move on’, tapod after a while, move back na naman.
“I’m still in the process,” ulit ni Mike.
Samantala, handang handa na raw ang mamamahayag sa muling pagbabalik sa trabaho at hindi niya maisip kung ano ang kanyang magiging “deal-breaker” para ihinto sa ngayon ang pagtatrabaho.
“Kasi ang daming nangyari e. And people like us in media, this is what we live for,” pagbabahagi ni Mike.
Samantala, muli nang mapapanood simula Lunes, March 28 ang batikang mamamahayag sa kanyang mga shows na “24 Oras” at “Imbestigador”.
Mapapakinggan na ring muli si Mike sa kanyang radio program na “Super Radyo DZBB”.
Related Chika:
Mike Enriquez successful ang kidney transplant, balik trabaho na
Mike Enriquez sasailalim sa medical procedure kaya mawawala muna sa GMA