Lolit Solis sinabing hayaan na lang si Kris sa choice niya: Basta boto tayo, karapatan natin iyan

Lolit Solis sinabing hayaan na lang si Kris sa choice niya: Basta boto tayo, karapatan natin iyan

HINDI mapigilan ng talent manager at manunulat na si Lolit Solis na magbigay opinyon dahil trending na naman ngayon ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Matatandaang nitong Miyerkules, March 23, nang gulatin ni Tetay ang mamamayan ng Tarlac sa nagdaang Leni-Kiko sortie.

Bukod sa surprise appearance ni Kris ay naging pasabog rin ang mga pahayag nito nang magsalita siya sa stage kasama ang malapit na kaibigang si Angel.

Nabanggit kasi nito na huwag iboto ang kanyang “ex” dahil hindi raw ito marunong tumupad ng mga pangako.

Bagamat walang sinabing pangalan ay marami ang naghihinala na si Herbert Bautista ang “ex” na tinutukoy ni Kris.

Marami naman ang napa-react sa sinabi ng Queen of All Media at isa na nga rito si Manay Lolit.

“Very Kris Aquino talaga iyon sinasabi sa balita na panawagan niya na huwag iboto ang ex na si Herbert Bautista, Salve,” saad ng talent manager sa kanyang Instagram page.

Aniya, very naughty raw si Tetay at ito na naman ang dahilan kung bakit hindi na naman siya na-gets at naintindihan ng madlang pipol kaya naman inuulan ito ng pambabatikos sa social media.

Ayon pa kay Manay Lolit, naniniwala siya na wala naman talagang mean bone si Kris at sadyang sinasabi lang nito ang mga bagay na nais niya na madalas raw ay iba ang kahulugan sa nais niyang iparating.

Isa pa, kahit naman daw ano pa ang sabihin ni Tetay ay may sarili pa rin namang choice ang mga netizens.

“Kung talagang gusto ninyo iboto si Herbert Bautista, why not? Whatever iyon sabihin ni Kris Aquino personal niya, kilala niya dahil naging ex niya. Pero may sarili parin kayong choices. Kaya kung ano nasa puso at isip ninyo, iyon iboto nyo, huwag padala sa sasabihin nila Gorgy at Salve,” sey ni Manay Lolit.

Pahabol pa niya, “Hayaan na rin natin si Kris Aquino sa choices niya. Basta boto tayo, karapatan natin iyan, huwag natin sayangin.”

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson
Anak ni Tarlac Mayor Cristy Angeles nag-react sa pahayag ni Kris Aquino: Anong utang na loob ng family namin?

Read more...