#Anyare: Kim Chiu ipinamigay na ang mga damit na nakatambak sa walk-in closet | Bandera

#Anyare: Kim Chiu ipinamigay na ang mga damit na nakatambak sa walk-in closet

Ervin Santiago |March 23,2022
facebook
share this

#Anyare: Kim Chiu ipinamigay na ang mga damit na nakatambak sa walk-in closet

Ervin Santiago - March 23, 2022 - 11:17 AM

Kim Chiu ginawang office-studio ang walk-in closet

Kim Chiu

MASWERTE ang mga nakatanggap ng mga damit na ipinamigay ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu mula sa kanyang walk-in closet.

Kinailangan kasing idispatsa ng dalaga ang laman ng kanyang closet matapos siyang magdesisyon na gawin na itong home office-studio.

Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, ipinakita ni Kim sa kanyang fans at subscribers ang bagong itsura at design ng kanyang dating walk-in closet na isa na ngang office at studio.

Ipinagmalaki ng girlfriend ni Xian Lim na isa ring proud Cebuana ang nag-design ng bago niyang home office. Aniya, hindi rin daw naging madali ang ginawang transformation sa dati niyang closet.

“Sobrang excited ko talaga na ipakita ito sa inyo and how it turned out. And I’m proud to say that this is designed by a Cebuana interior designer. I want to thank Miss Janet Lee of Janet Lee Designs. She’s the best friend of my sister,” simulang kuwento ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Sey ng aktres, nag-decide siyang gawing opisina at studio ang kanyang closet dahil na rin sa pandemya at sa iba-iba nang set-up ngayon sa pagtatrabaho.

“Kasi now, marami na kasing mga Zoom meetings, tapos ‘yung mga ganap, sa Zoom na. So dapat maganda ‘yung lugar, presentable.

“And marami na ring content na ginagawa sa bahay. So I decided na ‘yung closet ko, ‘yung mga luma kong clothes ay ipinamigay na namin.

“‘Yung iba itinago ko but mostly wala na sila. So now, ginawa ko na siyang home office studio,” chika pa ni Kimmy.

Inilibot din ng dalaga ang kanyang social media followers sa iba pang bahagi ng kanyang condo unit, kabilang na ang kanyang kwarto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ni Kim itinuturing niya itong “secret hideout” kapag kailangan niyang mapag-isa o kung meron siyang mga emergency meetings.

KC: Gawin mo ang isang bagay kung nakakaganda at nakakayaman sa ‘yo

Andi ibinenta ang mga paboritong damit para sa health center at daycare ng Siargao

Kris may ipinadalang mensahe kina Ninoy at Cory para kay Noynoy: Maswerte siya kasi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending