Vice nagplanong magtrabaho sa call center habang may pandemya; music video ni James kabogera
NOW it can be told. Nag-try palang maging call center agent itong si Vice Ganda.
Vice made chika this fact sa isang episode ng “It’s Showtime” where a candidate of the “Sexy Babe” segment revealed she was working in a call center office.
“Tinray ko ngang magganyan dati, pinlano ko, nu’ng walang show, walang Showtime, tinray kong mag-call center. Sabi ko parang gusto kong mag-call center,” chika ng TV host-comedian.
Na-curious tuloy ang co-hosts ni Vice na sina Ogie Alcasid at Vhong Navarro kung totoo ang sinabi niya.
“Oo, kasi may kaibigan akong mataas ang posisyon niya sa call center. Tapos sabi ko, nag-usap-usap kami, ‘mag-call center tayo hangga’t wala tayong ginagawa, para may bagong experience lang’.
“Para kunware bumalik sa Showtime may ikukuwento ako, kaya lang ang lugar mahina ang ano, wifi,” kuwento ni Vice Ganda.
With that, itsinika niya na naunsyami ang wish niyang mag-call center.
“So, hindi lahat papasa, kahit marunong kang mag-English kung ngarag yung wifi niyo, ‘di ba hindi. Naano lang ako, parang gusto kong malaman ‘yung mundo nila. ‘Di ba, kakaiba ‘yung life nila?” sabi ni Vice.
View this post on Instagram
* * *
Just watched James Reid’s music video for his latest song, “Hello”.
Tama nga ang nasulat sa isang Facebook page, star-studded nga ang music video ni James. Nasa video kasi sina Nadine Lustre, Liza Soberano at si Nancy McDonie ng Momoland.
Talagang kinabog ni James ang ibang singers, ha. Imagine, kasama sa music video niya ang mga artists ng Pilipinas, South Korea at Taiwan, not to mention the US collaborators.
Si Nadine, ganadong-ganado while doing lip-sync kasama ang kanyang aso. Sina Liza and Enrique Gil, kumanta’t sumayaw pa. Si Nancy naman, nakasakay sa roller coaster habang nagli-lipsync.
Kasama pa rin sa video ang kilalang celebrities gaya nina Maris Racal, Zack Tabudlo, Mimiyuuuh and Ylona Garcia.
Iba ka talaga, James, pang-world class ang music video mo.
https://bandera.inquirer.net/292059/luis-hinamon-si-derek-mag-video-call-tayo-nang-hubot-hubad
https://bandera.inquirer.net/281452/biktima-john-lloyd-alex-pinagtripan-ni-maja-pero-hindi-umubra-ang-drama-kay-aiko
https://bandera.inquirer.net/293872/gabbi-garcia-naiyak-sa-muling-pagpirma-ng-kontrata-sa-gma-type-gumawa-ng-lgbtq-project
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.