#BabyBump para kina Dimples at Angelica, sabay magbubuntis: Women supporting women, ganu'n naman dapat di ba? Bandera

#BabyBump para kina Dimples at Angelica, sabay magbubuntis: Women supporting women, ganu’n naman dapat di ba?

Ervin Santiago |March 21,2022
share this

#BabyBump para kina Dimples at Angelica, sabay magbubuntis: Women supporting women, ganu’n naman dapat di ba?

Ervin Santiago March 21, 2022 - 01:16 PM
Dimples Romana, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Anne Curtis at Bea Alonzo

Dimples Romana, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Anne Curtis at Bea Alonzo

“BUNTIS sa buntis!” Yan ang sitwasyon ngayon ng mag-BFF na sina Angelica Panganiban at Dimples Romana.

Isa si Dimples sa mga bumati kay Angelica nang ihayag na ng aktres at ng non-showbiz partner niyang si Gregg Homan sa publiko na magkakaroon na rin sila ng baby.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Dimples ng litrato kung saan kasama niya ang nagdadalang-taong aktres pati na ang iba pa nilang kaibigang sina Anne Curtis, Bea Alonzo at Angel Locsin.

Nangyari ang kanilang reunion sa bahay nina Angel at Neil Arce at mukhang dito nga ibinalita ni Angelica na very soon ay magiging mommy na rin siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Sa kanyang pregnancy reveal sa IG, ito ang kanyang nasabi, “Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis,” ang excited pang pahayag ng aktres.

Sa IG post naman ni Dimples, ito ang nakalagay sa caption, “Belly bump to another gorgeous friend momma of ours.

“When WOMEN celebrate each other’s JOY! WOMEN supporting WOMEN. Ganu’n naman dapat diba?

“CONGRATULATIONS Mars!! And @gregg_homan. Nakakahappy ang Belly Reveal ninyo,” aniya pa.

At tulad nga ni Angelica, pregnant din ngayon si Dimples sa ikatlong anak nila ng asawang si Boyet Ahmee. Kaya naman mas doble ang nararamdamang excitement ngayon ni Dimples dahil sabay nga silang magbubuntis ni Angelica.

“Noong nalaman ko ‘yung balita, as in nagulat ako! Kasi we weren’t even trying. Kami naman ni Boyet, we already have Calliee, we already have Alonzo, and seven years later, malay ko ba na magkakaroon ako ng isa pang baby. We are very pregnant at the moment,” pahayag ni Dimples sa isang online interview.

May dalawang anak na ang mag-asawa, sina Callie, 18, at Alonzo, 7.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?

Angelica Panganiban ayaw nang maniwala sa ‘kembak’: Kapag may history ng pambubudol, never again!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending