Nonie, Shamaine nangungulila pa rin sa yumaong anak makalipas ang 7 taon: Hindi madali yung trauma... | Bandera

Nonie, Shamaine nangungulila pa rin sa yumaong anak makalipas ang 7 taon: Hindi madali yung trauma…

Ervin Santiago - March 14, 2022 - 07:27 AM

Shamaine at Nonie Buencamino

Shamaine at Nonie Buencamino

HANGGANG ngayon ay nangungulila pa rin ang mag-asawang Shamaine at Nonie Buencamino sa yumao nilang anak na si Julia.

Pitong taon na ang nakararaan mula nang mamatay ang dalaga (15 years old siya noon) matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong 2015.

Ngunit ayon nga kina Nonie at Shamaine, until now ay nararamdaman pa rin nila ang sakit ng biglang pagkawala ng kanilang pinakamamahal na anak na huling napanood sa ABS-CBN series na “Oh My G!” na pinagbidahan nina Janella Salvador, Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.

“Yung konsepto kasi ng moving on in this kind of situation, it’s not like, ‘Tapos na, kalimutan na natin, move on na tayo.’

“Sa naranasan namin in coping or moving forward, it’s learning how to live with this kind of fact. Kumbaga, acceptance. Acceptance, in my case halimbawa, na maya-maya mami-miss ko ang anak ko. Maya-maya malulungkot kami, yung buong pamilya.

“And we accept that. That’s part of who we are now, we always have the wound in our hearts. I guess, that’s what we call moving on because we are able to do other things as well.

“At the same time, respecting the fact there will always be sadness in our hearts. It’s especially strong in anniversaries, on birthdays of family members that we lost,” ang pahayag ng veteran actress virtual mediacon ng “Usapang Puso: International Women’s Day Special, Break The Bias, Babae Kakaiba Ka Nga Ba?” last March 8, na inorganisa ng Philippine General Hospital.

Matatandaang sinabi ni Nonie sa isang panayam na huli na nang makita nila ang diary at mga artwork ni Julia kung saan mababasa ang ilang detalye kung paano pinaglabanan ng dalaga ang naramdamang “deep form of depression.”

Sabi ni Shamaine, talagang humingi siya ng professional help para maintindihan at matanggap niya sa kanyang puso at isipan ang masaklap na nangyari sa anak.

“Humingi ako ng tulong, itong pinagdaanan namin, hindi ko ito kinaya mag-isa. Humingi ako ng tulong sa aming spiritual director.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Actor 🇵🇭 (@shamainebuencamino)


“Nag-retreat ako, humingi ako ng tulong sa Diyos. Pumunta ako sa grief therapist at sa psychologist. Dinala ko ang pamilya ko for grief therapy kasi hindi madali yung trauma ng suicide,” sabi pa ng beteranang aktres.

Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga dumadaan sa katulad na pagsubok, “A lot of time kasi, iniisip natin na, ‘Kakayanin ko na ito’ or ‘I just need to give myself time to breathe.’

“Sometimes that’s okay, but sometimes we also have to know how to breathe in a healthy way. May ganu’n kasing konsepto, and the best people to help us are the professionals.

“Nandiyan ang ating mga doktor, psychiatrist, psychologist, therapist who can help us. And there’s no shame in asking for help,” pahayag pa ni Shamaine na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pagpunta sa mga workshop at seminar tungkol sa mental health.

* * *

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

If you or someone you know needs help, call the National Center for Mental Health hotline at 0917-899-USAP (8727); (02) 7-989-USAP; or 1553 and Mind Matters at 899-USAP (8727).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending